^

Punto Mo

EDITORYAL - Ibalik ang pera ng coco farmers

Pang-masa
EDITORYAL - Ibalik ang pera ng coco farmers

HANGGANG ngayon, hindi pa ibinabalik ang coco levy funds na kinaltas sa mga magsasaka ng niyog. Ipinangako ni Pres. Rodrigo Duterte na matatanggap na ng mga magniniyog ang kinaltas sa kanilang kita noong 1975 subalit naka-100 araw na ang Presidente ay wala pa ito. Noong Hunyo, inatasan ng Presidente si Agriculture Sec. Emmanuel Piñol, na ipagkaloob na sa mga magniniyog ang pondo na lumobo na sa P100 bilyon. Ayon sa report dadaan pa umano sa pagtalakay ng mga mambababatas ang pagbibigay ng coco levy. Ang tanong, pinaprayoridad ba ito ng House of Representatives? Ang usapin sa illegal drugs ang pinagkakaabalahan ng mga mambabatas.

Ang coco levy ay puwersahang kinaltas sa mga magniniyog noong 1975 sa bisa ng Presidential Decree 755 na inisyu ni dating President Ferdinand Marcos. Ilang Presidente na ang naupo mula nang mapatalsik si Marcos noong 1986 subalit walang ginawa para maibalik sa mga magniniyog ang buwis na kinolekta.

Mga cronies ni Marcos ang nakinabang sa coconut levy. Ginamit ang pera ng mga magniniyog  para bilhin ang United Coconut Planters Bank (UCPB) at iba pang corporation. Puwersahan ang pagbabayad ng tax ng magniniyog na noong una, sinasabi na para raw ito sa pagpapaunlad ng mga niyugan ng magsasaka at mayroon daw share ang mga magsasaka sa coco levy. Walang magawa ang mga magniniyog kundi magbayad ng buwis.

Mahigit 40 taon nang pinaglaban ng mga magniniyog na maibalik ang pondo subalit patuloy itong pinagkakait. Marami sa mga magniniyog ay namatay na at hindi na napakinabangan ang inihulog nilang buwis.

Tuparin ng kasalukuyang pamahalaan ang pa-ngakong pagbibigay sa coco levy. Kailangang mapakinabangan ito ng mga matatandang magniniyog bago man lang sila mamaalam sa mundo. Tapusin na ang 40 taon nilang paghihintay.

vuukle comment

COCO FARMERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with