^

Pang Movies

Kris wala na raw puwang sa nilayasang network!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bago pa man inamin ni Kris Aquino na mukhang nagkamali nga siya ng diskarte sa kanyang career nang lumayas siya sa ABS-CBN, may isa na kaming mapagtitiwalaang informant na nagsabi sa amin na mukha ngang palpak ang mga sinasabing project niya na ilalabas sa GMA-7. Mukhang wala naman daw talagang time slot na maibibigay sa kanya ang istasyon, maliban na lang kung ang GMA News TV ang kanyang papasukan.

Ngayon, inamin ni Kris na “na-over estimate” niya ang kanyang potentials. Hindi siya pumirma agad noong matapos ang kontrata niya sa ABS-CBN. Siguro nga naghihintay siya ng mas magandang offer. Pero ang nangyari, pinalitan ng ibang show ang kanyang dating time slot at naging maganda naman ang resulta. Magaling sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros eh. Tapos kahit na sabihin mong ganoon, may batak naman si Karla Estrada dahil sa kasikatan ng kanyang anak na si Daniel Padilla. Pinanonood ng fans ang nanay ng idol nila. Hindi na nakuha ni Kris ang dati niyang time slot.

Siyempre ang susunod ay kailangan masabing kinukuha nga siya ng GMA-7, pero walang ganoong move ang network. Iyon naman ang dahilan kung bakit siya pumasok sa APT Entertainment, dahil alam niya na malakas na blocktimer iyon sa GMA at tiyak na may makukuhang time slot. Doon nagsimula ang kung anu-anong ispekulasyon.

Kaya ngayon sinasabi na ni Kris Aquino na nami-miss niya ang mga dati niyang staff sa ABS-CBN, at inamin niyang mali ang ginawa niyang paglayas sa dati niyang network.

May mali na naman sa sinabi niya. Hindi kaya dahil sa sinabi niya ay lumabas na walang nagawa sa kanya ang APT kahit na hindi pa naman nagsisimula iyon? Kung kayo ang APT, hindi ba nakaka-insulto ang bagong statement ni Kris? Kung totoong may guaranteed contract siyang 800 million, papaano?

John Wayne maswerte pa rin

Masuwerte pa rin si John Wayne Sace at hindi siya napuruhan ng mga vigilante na tumira sa kanila ng kanyang kaibigan. Dead on the spot ang kanyang kaibigan. Siya naman ay maayos na ang kalagayan ngayon sa ospital. Iyang si John Wayne, lumabas pang bunsong anak ni Ate Vi sa pelikulang Dekada ‘70.

Nauna riyan, sumuko na pala siya at ang kanyang kaibigan sa ilalim ng Oplan Tokhang. Iyon ang naglagay sa kanya sa peligro, dahil maaaring inisip ng mga dati nilang “ka-deal” na baka sumigaw sila, kaya pinagbalakan na silang tapusin.

Dapat iyang mga sumusuko sa Tokhang, dumiretso na agad sa rehab, o kaya umuwi muna ng pro­binsiya.

Dapat talagang imbestigahan

Osang may mga kakumpetensiya sa pagdadala ng karne sa Bilibid

Bukod naman pala sa self-confessed na nagdadala ng mga babae sa mga bilanggo na si Rosanna Roces, marami pang ibang ganoon din ang hanapbuhay.

May nagsabi sa amin na may “iba pang taga-showbiz” na gumagawa rin nang ganyan. Hindi nga kaya dapat pagtuunan din natin ng pansin ang kaso ng human trafficking?

 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with