^

Pang Movies

Kaya labas-masok sa ospital Claudine may problema sa dugo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagpapasalamat ang fans ni Claudine Barretto sa pamangkin nito na si Cholo dahil ito ang nagbigay ng linaw tungkol sa tunay na sakit ng kanyang tiya na napapadalas ang pagpasok sa ospital.

Sinabi ni Cholo na prone sa infection si Claudine dahil masyadong mataas ang bilang ng white blood cells at extremely low ang red blood cells ng sickly actress.

Ang kalagayan daw ni Claudine ang dahilan kaya inoperahan ito sa paa.

Mula nang operahan si Claudine, huminto na ito sa pagbibigay ng mga update tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa ospital kaya nag-worry ang fans. Ang video habang ipinapasok siya sa operating room ang huling post ni Claudine sa social media account niya.

Napilitan si Cholo na maglabas ng statement dahil marami na ang nababahala sa kalusugan ni Claudine. Ang sey ni Cholo, bagets pa lang ang tiya niya nang magkaroon ito ng problema sa white and red blood cells.

Paglarga ni Mariel sa Netherlands aprubado ng doktor

May mga nag-aalala naman para kay Mariel Padilla dahil sa paglipad nito sa The Netherlands dahil sinundan niya ang kanyang mister na si Robin Padilla.

Nabahala ang fans sa pagbiyahe ni Mariel dahil buntis ito at pahinga ang kailangan ng mga kagaya niya na nagdadalang-tao.

Walang dapat ipag-alala ang fans dahil sure na may permiso ng doktor ang pagbiyahe ni Mariel sa malayong bansa.

Hindi naman aalis si Mariel kung hindi siya pinayagan ng doktor niya ‘no! Matagal na naghintay si Mariel bago natupad ang pangarap niya na mabuntis. Hindi siya lalarga sa ibang bansa kung hindi makakaya ng katawan niya.

Sen. Grace napalaki ang gastos dahil sa kakulangan ng political machinery

Mahigit sa kalahating bilyong piso ang nagastos ni Senator Grace Poe sa presidential campaign niya noong nakaraang eleksyon.

Ang sey ni Mama Grace, ang kakulangan ng political machinery ang isa sa mga dahilan kaya malaki ang nagastos niya sa pangangampanya.

Totoo naman ang claim ni Mama Grace dahil sa te­levision ads pa lang niya, malaki na ang kanyang nagastos.

Mabuti na lang, may mga mga mabubuting tao na nagbigay ng kontribusyon sa kampanya niya.

Alma bumisita sa NBI, ipinakita ang video ng rave party!

Humarap sa NBI si Alma Concepcion na nagtapat na nakita niya ang nangyari sa isang biktima na binawian ng buhay sa  Close Up Fore­ver Summer Event noong nakaraang buwan.

Credible eyewitness si Alma dahil dumalo ito sa tragic rave party at may video siya na hawak na magpapatunay sa kanyang statement.

Personal na nakita ni Alma nang mahimatay ang isa sa mga biktima.

Malaking isyu ang rave party dahil limang tao ang namatay. Isa si Alma sa mga unang nagkuwento ng mga nasaksihan niya sa rave party. Nalungkot siya dahil mga minor ang karamihan sa mga nakita niya na nakiki-party.

Malaking bagay ang testimonya ni Alma sa imbestigasyon ng NBI na hawak na rin ang mga suspect sa pagbebenta ng illegal drugs sa rave party.

vuukle comment

LUE

NBA FINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with