^

Bansa

P5.5-M reward para sa mapapatay na druglord - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-alok si President-elect Rodrigo Duterte ng P5.5 milyong reward sa sinumang makakapatay ng drug lord sa Cebu.

Inihayag ni President Duterte ang kanyang P5.5M reward sa pagdalo nito sa thanksgiving party na inorganisa ng kanyang Presidential Assistant for Visayas na si Mike Dino na ginanap kamakalawa ng gabi sa Cebu Country Club sa Cebu City.

Sinabi pa ni President-elect Duterte, ang kanyang apela at request sa mga druglords na ito ay tumigil na sila para walang gulo.

“I plead for you to stop fucking this country and we will be alright. Wala tayong problema,” dagdag pa ni Duterte sa kanyang 40-minutong mensahe kamakalawa ng gabi.

Ibinunyag pa ng susunod na pangulo ng bansa, may alam siyang mga kaso kung saan ang mga pulis na sangkot sa anti-drug operations ay hindi idinedeklara ang actual volume ng droga na kanilang nakumpiska.

Idinagdag pa ni Duterte, dapat itigil na ng mga pulis na ito ang kanilang masamang gawaing ito bago pa man siya umupo sa Malacanang.

“I do not want to go to the extreme but I am asking for the reversal of these things. If I cannot get it the right way, then, I will do it the wrong way because I have a sworn duty to protect the Republic,” giit pa ni Duterte sa mga Cebuanos kamakalawa ng gabi.

Nagbabala din ito sa New Bilibid Prison at lahat ng jail personnel sa bansa na itigil na din ng mga ito ang drug smuggling sa loob ng kulungan at huwag na nilang siya pa ang gumawa ng aksyon laban sa kanila.

Samantala, humingi din ng paumanhin ang president-elect sa mga Cebuanos na hindi nakapasok sa venue ng Cebu Country Club dahil sa mahigpit na ipinatupad na seguridad ng Presidential Security Group (PSG).

Ito ang unang pagkakataon na nakalabas ng Davao City si Duterte matapos ideklara ng national board of canvassers na nanalong presidente sa nakaraang May 9 elections.

vuukle comment

FIBA

GILAS PILIPINAS

MANNY PANGILINAN

OLYMIC QUALIFIERS

SBP

TAB BALDWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with