^

Metro

Artist’s sketch ng suspek sa Balcoba killing inilabas ng MPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Unti-unti nang nagkakaroon ng linaw ang pamamaslang sa mamamahayag na si Alex Balcoba matapos na ilabas ng Manila Police District ang artist’s sketch ng suspek.

Batay sa inilabas na la­rawan ng suspek sa media, ang lalaking suspect ay nagkakaedad ng mula 40 hanggang 45, may taas na 5’2, medium built ang katawan, may taghiyawat sa mukha, at nakasuot ng som­brero.

Ayon kay Supt. Marissa Bruno, tagapagsalita ng MPD, tatlong testigo ang nagkumpirma sa itsura ng  suspek.

Nanawagan ngayon ang MPD sa iba pang nakasaksi sa krimen na makipagtulu­ngan upang mapadali ang pagdakip sa salarin.

Una nang naglaan ng  pabuyang P100,000 ang MPD at MPD Press Corps  sa sinumang makapagtuturo sa salarin.

Ayon pa kay Bruno, ma­baba lamang ang proba­bility na may kaugnay sa trabaho ang motibo ng pa­mamaslang kay Balcoba no­ong  Biyernes ng gabi  sa kanyang stall sa Quiapo, Maynila.

Gayunman, sinabi ni Bruno na lahat ng anggulo ay kanila pa ring pinag-aaralan para sa agarang ikalu­lutas ng krimen.

Ang biktima ay isasa­­lang sa cremation ngayong umaga, Miyerkules, June 1.

Samantala, magtatatag ng special task force si incoming president Rodrigo Duterte na ang tututukan lamang ay ang paglutas sa media killings.

Ito naman ang tiniyak ng tagapagsalita ni Duterte na si Peter Laviña kasunod nang personal na paghahatid ng pakikidalamhati sa pamilya Balcoba. 

Ayon kay Laviña, magta­talaga rin ng special prose­cutor na ang trabaho lamang ay magbusisi ng mga kaso ng media killings. Aniya, pag-iibayuhin ni Duterte ang proteksiyon ng mga mamamahayag na itinuturing na ika-apat na estado.

Bibigyan ng malaking­ res­peto ang press freedom at ang kalayaan ng mga ma­mamahayag na gawin ang kanilang tra­baho nang walang hadlang at pananakot. Sa­man­tala, sinasagot na ng National Press Club of the Philippines ang pag-aaral ng panganay na anak na babae ni Balcoba.

 Ayon kay NPC Vice President Benny Antiporda, ang educational assistance para sa anak ni Balcoba ay hanggang sa magtapos ng kolehiyo.

vuukle comment

REEF STROKES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with