^

PSN Showbiz

Bagong Survivor sa Spratley's Island kukunan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Inaabangan na ang nalalapit na rampahan ng mga sexy hunks sa Cosmopolitan Bachelor Bash na gaganapin sa World Trade Center sa Sept. 15.

Si Phil Younghusband ang nasa cover ng 10 Centerfold pero hindi pa matiyak ng mga taga-Cosmo kung makakarating ito dahil may laro sila sa Sept. 13.

Hindi lang si Phil ang taga-Azkals na kasali sa centerfold kundi sina Anton del Rosario at Aly Borromeo pa.

Karamihan ay mga Kapamilya talents ang rarampa at si Enzo Pineda lang ang taga-GMA 7 na nasa 10 centerfold, pero may special participation naman ang ilang Kapuso hunks na sina Aljur Abrenica, Mike Tan, at Mark Herras.

PAK: Totoo kayang sa Spratly’s Island ang Survivor Philippines Celebrity Showdown na malapit na magsimula?

Ang unang narinig namin, sa Palawan ito gagawin, pagkatapos sa Palau Island naman o ’di kaya sa China. Pero ang latest na narinig namin ay sa Spratley’s Island na.  

Siyempre tahimik pa ang mga taga-Survivor at pawang haka-haka lang itong naririnig natin.

Ang ilan sa mga naririnig naming kasali sa natu­rang reality show ay isang comedienne TV host, apat galing sa StarStruck, at ilang miyembro ng Azkals.

BOOM : Hindi sumagot si John Prats nang tanungin ito tungkol sa tunay na kalagayan ng kanyang brother-in-law.

Wala siya sa lugar para magsalita sa isyu ng kapatid na si Camille Prats at ng asawa nitong si Anthony Linsangan dahil tahimik lang naman ang kanyang kapatid.

Mabuting hintayin na lang si Camille na magsalita tungkol dito.

Sa ngayon ay hindi pa handa ang sister na magsalita at pag-usapan ang tungkol sa kanyang asawa.

Nag-iipon pa ito ng lakas bago niya isiwalat ang lahat. Kaya hindi na ito pini-pressure ng mga taong malapit sa kanilang mag-asawa.

Kahit ang handler nito at ang manager niyang si Arnold Vegafria ay hindi siya tinatanong dahil mas mabuting manggaling na lang ito mismo kay Camille.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALY BORROMEO

ANTHONY LINSANGAN

ARNOLD VEGAFRIA

AZKALS

CAMILLE

CAMILLE PRATS

COSMOPOLITAN BACHELOR BASH

ENZO PINEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with