^

PSN Showbiz

Ruffa ni-raid ang closet ni Alice Dixson

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Isa si Alice Dixson sa 25 celebrities na nilapitan ni Ruffa Gutierrez para mag-join sa Ruffa’s Red Carpet charity event na magri-raise ng funds para sa napiling tulungan- Virlaine Foundation, House of Joy ni Mother Teresa at Real Life Foundation.

Na-tweet ni Ruffa na ni-raid niya ang closet si Alice Dixson para mamili ng gamit nito na isasama sa tiangge. May 24 celebrities pa siyang hihingan ng tulong para makaipon ng gamit para maging bongga ang charity event sa August 19 & 20 sa Newport Mall ng Resorts World, mula 1:00 p.m. -12:00 mn.

Idea raw nila ito ni Tim Yap at ngayon lang matutupad, kaya nananawagan si Ruffa sa mga kaibigang artista, singers, stylists, at fashionista na tumulong. Wala pa silang target amount na iri-raise at kukuha pa ng sponsors at magpapa-auction din.

Samantala, nasaktan si Ruffa sa sinabi ni Yilmaz na hindi napupunta kina Lorin at Venice ang ibinigay niyang $4M ($2M bawat isang bata) para lang payagang magbakasyon ng one week sa Turkey ang mga anak.

 “Asan ang resibo? Baka sa ibang bank account niya ipinadala ang pera dahil wala akong natatanggap. ‘Yun ang pinakamasakit na sinabi niya, na hindi ko ibi­ni­bigay sa mga anak ko ang padala niyang pera. Nilulustay ko raw ang kinikita ng mga bata, eh, magkano lang ang talent fee nila sa Goin’ Bulilit dati? Abonado pa ako. It’s very difficult to be a single mom, not easy, pero nakakaya ko,” sabi ni Ruffa.

Kylie natakot sa pang-ookray ng viewers

Last three weeks na lang ang taping ng Blusang Itim  na pinagbibidahan ni Kylie Padilla at sabi nito, para siyang nag-OJT sa taping. “The best learning experience is on the job,” wika nito.

Inamin ni Kylie na nahirapan siya noong una na mag-shift from Jessa to Jessica character, pero nasanay din siya. Nag-effort siyang ibahin ang atake para hindi siya okrayin ng viewers, kaya pati boses at delivery ng lines ay iniba niya and so far, okey ang feedback ng viewers sa kanya.

 “Opo” agad ang sagot ni Kylie sa tanong kung masarap maging bida, pero gusto rin niyang subukang mag-kontrabida para iba-iba ang kanyang ginagawa. Natutuwa siya at may chemistry siya kina Frank Magalona at Carl Guevarra.

Samantala, okey kay Kylie na makatrabaho si Aljur Abrenica sa TV at pelikula at nakipag-meeting na raw ang manager niyang si Bectchay Vidanes sa GMA 7 para hiramin si Aljur sa Mr. Wong, entry ni Robin Padilla sa MMFF na kasama si Kylie.

Carla at Michelle magbibida sa mang-aagaw

May nagtsika sa amin na may kasunod ng soap si Carla Abellana after Magic Palayok at pang-hapon din. Ipapalit yata sa Sisid na sabi’y, Mang-aagaw  ang magiging title na baka palitan dahil nag-leak. Hahaha!

Si Jay Altarejos ang magdidirek ng Mang-aagaw, rason kung bakit hindi nakalipat sa ibang network ang director dahil may next project na siya sa GMA 7.

Si Michelle Madrigal ang kasama ni Carla Abellana na magbibida sa Mang-aagaw at ang bagong project siguro ang ipinagpasalamat sa Twitter. Hindi pa naibubulong sa amin ang leading man at pag-aagawan nina Carla at Michelle.

Aljur hindi na nahintay ng Panday 2

Hindi na kasama sa cast ng Panday 2 si Aljur Abrenica dahil sa conflict of schedule. Hindi siya nakapag-shooting sa schedule niya dahil nasa Amerika siya para sa event ng GMA Pinoy TV. Hindi siya mahintay, kaya sa halip na masira ang shooting sked, pinalitan na lang siya.

Si Alden Richards, contract star ng GMA Artist Center ang ipinalit kay Aljur and same role ang kanyang gagampanan.

Bale, three movies ang gagawin ni Alden this year at magkakasunod na ipalalabas. Una ang Tween Academy: Class of 2012 sa August 24, next ang The Road sa September at pang-MMFF ang Panday 2.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALICE DIXSON

ALJUR

ALJUR ABRENICA

CARLA ABELLANA

PANDAY

PARA

RUFFA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with