^

PSN Showbiz

Christopher tinanggalan ng maskara sa Captain Barbell

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Magkakaroon ng pagbabago sa timeslot ng mga primetime show ng GMA 7 dahil sa pagsisimula sa Lunes ng Captain Barbell.

Ang show ni Richard Gutierrez ang mapapanood pagkatapos ng 24 Oras at ang Dwarfina ang kasunod nito.

Excited na ang mga bata sa pag-uumpisa ng Captain Barbell dahil nabalitaan nila na maganda ang unang episode ng primetime show na limang taon din na hindi napanood sa TV.

Mas kaabang-abang ang pagbabalik ni Captain Barbell dahil ibinagay ang kuwento nito sa kasalukuyang panahon.

*   *   *

Hindi nagkamali si Christopher de Leon na tanggapin ang role ni Nero, ang main villain sa Captain Barbell dahil sa simula pa lang ng show, markado at mahaba ang kanyang exposure.

Si Annabelle Rama ang kumausap sa akin tungkol sa participation ni Boyet sa primetime show ni Richard. Kinausap ako ni Bisaya bago pa nangyari ang eleksiyon noong nakaraang taon.

Pumayag agad si Boyet nang malaman nito na mismong si Annabelle ang nag-request na siya ang gumanap na kontrabida sa Captain Barbell.

Si Boyet din ang gumanap na kontrabida sa Darna na pinagbidahan noon ni Angel Locsin. Ang kaso, may suot siya na maskara kaya hindi alam ng mga tao na si Boyet ang kontrabida ni Darna.

Walang maskara na ipinasuot kay Boyet sa Captain Barbell pero may eyepatch ang kanyang kaliwang mata. At least, masisilayan pa rin ang kanyang mukha.

Panoorin ninyo ang pilot episode ng Captain Barbell para malaman ninyo ang dahilan ng pagkakaroon ni Nero ng eyepatch.

Pansinin din ninyo ang physically fit na pangangatawan ni Christopher na na-achieve niya dahil sa regular exercise.

*   *   *

Obvious na nagbibiro si Lovi Poe nang sabihin nito na handa na siya na makipag-date ang nire-represent ng sexy dress na suot niya sa preview at presscon ng Captain Barbell.

Pero sineryoso ng mga nakarinig ang dialogue ni Lovi dahil nga single na uli siya.

Hiwalay na si Lovi at ang kanyang boyfriend na si Ronald Singson. Mis­­mong si Ronald ang nagbigay ng kala­yaan kay Lovi nang hatulan siya ng isa at kalahating taon na pagkakakulong ng HK court dahil sa kaso ng drug trafficking.

Imposibleng mawalan si Lovi ng man­liligaw, lalo na ngayon na alam ng mga mhin na loveless siya.

Bago magkalimutan, teacher na magkakagusto kay Enteng ang papel na ginagampanan ni Lovi sa Captain Barbell. Siya ang teacher ng karakter ni Jillian Ward na alaga ni Enteng/ Captain Barbell.

*   *   *

Naka-feel ako ng lungkot nang panoorin ko noong Huwebes ang Minsan Lang Kita Iibigin dahil ang mga eksena ni John Apacible ang ipinakita.

Take note, may mga close up shot pa si John at nang matapos ang episode, inilagay ng production staff ang mga salitang “In loving memory of John Apacible.”

Kung nasaan man ngayon si John, tiyak na ikinatuwa niya ang pagpapahalaga na ibinigay sa kanya ng production staff ng Minsan Lang Kita Iibigin. Ikinalungkot ng mga artista at crew ng show ang biglang pagkawala ni John.

vuukle comment

BARBELL

BOYET

CAPTAIN

CAPTAIN BARBELL

DAHIL

JOHN APACIBLE

LOVI

MINSAN LANG KITA IIBIGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with