^

PSN Showbiz

Malalaswang litrato ng anak ni Mark nagkalat sa internet

- SEEN SCENE -

SEEN: Dalawampung hubad na litrato ng isang aktres ang ipinadala sa mga showbiz reporter ng tao na nagpakilala sa pangalan na Xialen Antonio. Diumano, si Ira Eigenmann ang aktres na hubad sa mga litrato na natanggap ng mga reporter. Anak si Ira ng aktor na si Mark Gil at kapatid siya ni Gabby Eigenmann.

Malalaswa ang mga kuha ng aktres. Si Ira ang tanging makapagsasabi kung original ang mga hubad na larawan, look-alike niya ang babae sa litrato o ipinatong lamang ang kanyang mukha sa hubad na katawan ng isang babae dahil may mga tao na nais siya na siraan.

SCENE: Turned-off kay Mariel Rodriguez ang fans na nakakita sa kanya sa Boracay noong Holy Week. Napansin ng mga tao ang mabilis na pagtakbo ni Mariel sa loob ng hotel nang makita niya na pa­pa­lapit sa kanya ang fans.

SEEN:Patuloy ang paghahanap ng pamilya ni Rochelle Barrameda sa kanyang nawawalang kapatid na si Ruby Rose Jimenez. Isang taon na ang nakalilipas mula nang mawala si Ruby Rose na parang bula. Kalahating milyong piso ang pabuya na naghihintay sa tao na makapagtuturo sa kinaroroonan ng kapatid ni Rochelle. Umiikot sa Internet ang missing ad para kay Ruby Rose.

SCENE: Not guilty ang Seen/Scene sa bintang na paninira ng fans ni Sharon Cuneta. Nagalit ang fans ni Sharon sa Seen/Scene nang ilabas dito ang balita na may problema ang megastar at ang kanyang anak na si KC. Matutunghayan sa April 2008 issue ng Yes Magazine ang mahabang interbyu kay KC, kung saan inamin nito na matagal silang walang komunikasyon ni Sharon dahil nagkaroon sila ng tampuhan.

SEEN: Si Cogie Domingo ang kasama ni Jude Estrada sa panonood ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Las Vegas. Matalik na magkaibigan sina Jude at Cogie.

SCENE: Eliminated sa American Idol si Chikezie. Binatikos ni Simon Cowell ang hindi orihinal na pagkanta ni Chikezie sa ballad song na If Only For One Night. Siyam na lamang ang natitira na finalists ng American Idol.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

CHIKEZIE

GABBY EIGENMANN

HOLY WEEK

IF ONLY FOR ONE NIGHT

IRA EIGENMANN

RUBY ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with