^

PSN Showbiz

Pakiusap ni Manny: 'Wag siyang pakialaman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Live na mapapanood ngayong umaga sa Unang Hirit ang arrival ni Manny Pacquiao at ng kanyang pamilya.

Kasama kaya si Jinkee Pacquiao sa mga sasa­lubungin ng press people? Piyesta ang ambience sa Centennial Airport sa tuwing nananalo si Manny sa kanyang mga laban at ang pag-uwi niya sa Pilipinas.

Alam ko na ang isasagot ni Manny sa mga magta­ta­nong sa mga tsismis tungkol sa kanila ni Krista Ranillo, ang huwag makialam sa personal na buhay ng ibang tao.

Hindi mapipigilan ni Manny sa pagtatanong ang mga reporter dahil international celebrity at huge boxing star siya sa buong mundo!

Pag-Iyak ni Jinkee nasa Youtube na

Hindi na-miss ng televiewers ang video ng pag-iyak ni Jinkee Pacquiao sa Thanksgiving Mass sa Las Vegas pagkatapos manalo ni Manny sa laban nito kay Miguel Cotto.

May nagkuwento sa akin na naka­lagay daw sa Youtube ang video kaya paulit-ulit ito na napapanood sa Internet.

Malakas ang impact ng pag-iyak ni Jinkee. Lalong naghinala ang mga tao na may problema sila ni Manny dahil kay Krista.

Kung may mabigat man na dinadala si Jinkee sa dibdib, tiyak na matutuwa siya kapag nalaman niya na marami ang kampi sa kanya.

Bumubuhos ang moral support kay Jinkee mula sa mga tao na hindi niya kilala pero ipinaglalaban siya. Pina­lalakas nila ang loob ni Jinkee sa pama­ma­gitan ng mga positive messages at mga payo na huwag siyang magpapatalo sa mga babae na gustong agawin ang kanyang asawa.

Watch ninyo bukas ang Startalk dahil may story kami tungkol sa mga nangyari sa Las Vegas. Tutu­tukan din ng Startalk ang arrival ngayon ni Manny.

Iniiwasan sa eroplano

Iniiwasan pala ng ibang mga pasahero na maka­sabay sa eroplano si Manny kapag umuuwi ito sa Pilipinas.

Punum-puno raw ng pasahero ang PAL dahil sina­sabayan ng ibang pasahero ang pag-uwi ni Manny para makapagpakuha sila ng litrato at makahingi ng autograph.

Kesehodang nasa business class section si Manny, pinupuntahan siya ng mga pasahero na nasa economy. Dedma sila sa pagbabawal ng mga nalolokang flight attendants ng PAL.

May inihandang programa ang GMA 7 para kay Manny. Hindi ko lang alam kung tuloy ang mini-concert niya, tulad ng nakagawian kapag nananalo siya sa kanyang mga laban sa Las Vegas.  

Alfred nakabalik na

Bumalik na kahapon si Alfred Vargas at ang kan­yang girlfriend na si Yasmine D’ Allesandro mula sa Las Vegas.

Maraming kuwento ang dalawa tungkol sa kani­lang short but memorable trip sa Sin City. Sin City daw o!

Sa totoo lang, may mga kasama sina Yasmine at Alfred sa kanilang pagbabakasyon sa Amerika. Ka-join nila sa biyahe ang mga kamag-anak ni Yasmine na botong-boto kay Alfred.

Rhian matagal nang endorser ng Belo

Si Rhian Ramos ang endorser ng Belo Medical Clinic. Matagal nang endorser ng Belo Clinic si Rhian pero next week siya ipapakilala ng pormal.

Perfect endorser ng Belo Clinic si Rhian dahil ma­gan­da siya at napakakinis ng balat. Nagugulat nga ang mga nakakakita kay Rhian dahil mas maganda raw pala ito sa personal kesa sa TV.

vuukle comment

BELO CLINIC

JINKEE

JINKEE PACQUIAO

LAS VEGAS

MANNY

RHIAN

SHY

SIN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with