^

PSN Showbiz

Juday makikipagsapalaran sa pagpapakasal kay Ryan

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Trenta na si Juday. Tatanda na siyang dalaga kapag hindi pa natin siya hina­yaang makasal kay Ryan Agoncillo. Balitang-balita na kasi ang nakatakdang pagpapakasal nila sa taong ito, inuuna lamang nilang tapusin ang kanilang ipinagagawang bahay pero, pagkatapos nito, “Here comes the bride” na!

Intindihin na lamang natin kung pinaka-apektado sa magaganap na kasalan ang mommy ni Juday na si Mommy Carol. Matagal nga naman nitong nakasama ang kanyang anak. Maninibago siya kapag nawala ito. Pero puwede naman niyang dalawin si Juday, hindi naman siguro siya pagbabawalang gawin ito.

Kaya lamang, ngayon pa lamang ay magsanay na siyang wala ang paboritong anak na artista. Susuong na ito sa isang bagong pakikipagsapalaran.

Good luck na lamang sa mga ikakasal.

* * *

Kung suswertihin, baka magkaroon ng isang hit tandem sa katauhan nina PJ Valerio at Juliann ng Sugarpop. May chemistry sila at bagay na bagay sa screen. Payo ko lamang kay PJ na bawas-bawasan ang nerbiyos sa kapareha kapag nagdu-duet sila. Halata ito kapag kumakanta na silang magkasama.

Isa si PJ sa mga hinahasa sa Walang Tulugan. Magaling namang mag-host ito, pero dinadaga pala kapag may ka-duet na kasing-ganda ni Juliann.

Isa pa rin sa mga alaga ko sa Walang Tulugan si Jake Vargas. Kasama na ito sa cast ng Dapat Ka Bang Mahalin, isang bagong serye ng GMA 7 na magtatampok sa tambalang Kris Bernal at Aljur Abrenica. Isa itong revival o adaptation ng isang Sharon/Gabby movie noon. Tinulungan ko nun ang aking naging alagang si Mon Alvir na makasali sa movie, kapatid ni Sharon ang naging role niya. Kapatid naman ni Kris ang role ni Jake Angelo sa revival nito.

* * *

Obvious na na-miss ng mga tao sa concert stage ang tambalang Martin Nievera at Pops Fernandez. Dinumog ng napakaraming manonood ang katatapos nilang reunion concert sa Araneta Coliseum. Siyempre, abot-tenga ang ngiti ng producer ng concert, ang boyfriend ni Pops na si Jomari Yllana. Bagama’t expected niya ang tagumpay ng concert, hindi niya sukat akalain na isang magandang palabas ang maibibigay niya sa mga tao. With the success of his initial musical project, sure ako na susundan pa niya ito.

* * *

Wala akong pagsidlan ng katuwaan sa pagkakapasa kamakailan ng isang reso­lusyon na nagtatakda sa Quezon City bilang City of Stars. Hindi ako maka­pag­salita nang maimbitahan akong magsalita sa isang sesyon ng mga mam­ba­batas na miyembro ng Quezon City Council. Isang taos pusong pasasalamat na lamang ang naipaabot ko sa mga konsehal ng lungsod na pinamumunuan ni Kon. Ariel Inton na siyang may akda ng resolusyon.

Ngayon, makakapag-plano na kami. I’m sure naman na anumang proyekto ang gawin namin para rito ay makakatulong para mapataas pa ang turismo ng lungsod. Ipinangako rin ng konseho na tutulungan kami sa pagpopondo para sa City of Star na ipagdiriwang tuwing ikalawang Sabado ng buwan ng Marso kasabay ng Mowelfund Day.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ARANETA COLISEUM

ARIEL INTON

CITY OF STAR

CITY OF STARS

ISA

ISANG

JUDAY

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with