^

PSN Showbiz

Boyet vs Faith sa revival songs

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Ang totoo ay launching ‘yon ng bagong album ni Regine Velasquez, yong "Covers Volume 2," na naglalaman ng mga renditions ng songbird ng mga sikat na awitin, pero ang pinag-usapan ay ang kanyang lovelife.

Ang katuwiran nga ng ilang reporters na naroroon, ano pa nga ba ang mapag-uusapan. Alam na naman ng lahat ng tao kung gaano kagaling na singer si Regine. Alam din naman ng lahat doon na tiyak na magiging hit ang album na yon dahil sa panahong ito naman kahit na anong album ang gawin ni Regine tiyak na bibilhin ng mga tao.

Pag-uusapan pa ba naman ang kanyang nalalapit na concert eh tiyak namang mapupuno ng tao yon. Kaya nga ang mahahalungkat na lang na naiiba ay ang kanyang lovelife. Hindi pa nga natatapos ang napaka-unfair na tsismis na nagli-link sa kanya sa may asawa nang si Ogie Alcasid, pinalalabas naman ngayon na baka raw may secret lover naman si Regine.

Mukhang hindi naman yata tama yon. Pabayaan natin na mangyari ang lahat sa takdang panahon. Naniniwala kami na isang araw mayroon ding isang maglalakas ng loob na manligaw talaga kay Regine, na maaaring magustuhan niya.

Ang problema kasi, hindi maliligawan ng kahit na sino si Regine, gusto man nila. Sikat na sikat ngayon si Regine, at sino mang manligaw sa kanya ay tiyak na uuriin agad ng ibang tao. Maaaring sabihin ni Regine na hindi niya tinitingnan ang katayuan sa buhay ng manliligaw sa kanya, eh ano ang sasabihin ng ibang tao? Kaya mahirap na basta ligawan yang si Regine, maliban na lang kung ang manliligaw sa kanya ay matagumpay din sa kanyang larangan.
* * *
Napanood din namin sa telebisyon ang dramatic actor na si Christopher de Leon habang inaawit ang kantang "Bituing Walang Ningning." Nakapaloob naman ito sa kanyang album na "Mga Awit Pelikula ni Christopher de Leon," kung saan kinanta niya ang mga theme song ng mga nagawa niyang pelikula simula pa noon. Pero ang biruan nga ngayon, nagkaroon ng isang matinding kalaban si Faith Cuneta sa revival ng mga kantang pinasikat noon ng megastar na si Sharon Cuneta, dahil lumabas na nga ang ginawang album ni Boyet. Pero hindi lang basta revival ng mga kanta rin ni Sharon noong araw, yang album ni Boyet hindi pa man ay isa nang collectors’ item. Isipin ninyo, ang lead actor ng mga pelikulang ang siya mismong kumakanta ng theme song sa isang album.
* * *
Noong isang gabi, kalahating oras kaming na-traffic sa Roxas Boulevard dahil wala man lang detour sign sa may Luneta ganoong ang Boulevard na isang major street ay ipinasara pala para sa isang show ng ABS-CBN. Hindi lang kami, marami ang naistorbo. Hindi rin kumita ang mga establishment sa Baywalk, dahil walang makapunta roon dahil sarado nga ang kalye. Naglakad kami, at nang madaanan namin ang kanilang stage, ni wala man lang isang ambulansiyang nakita namin doon. Papaano kung magkaroon ulit ng stampede? Hahayaan na lang nating may mamatay ulit?

vuukle comment

ALAM

ALBUM

BITUING WALANG NINGNING

BOYET

ISANG

NAMAN

REGINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with