^

PSN Showbiz

Aso niya ang ka-Valentine ni Regine!

- Veronica R. Samio -
Malaking problema ni Regine Velasquez ay kung sino ang mapag-iiwanan ng aso niya kapag umalis siya ng matagal-tagal para sa promo ng album niya at para rin sa mga out of the country shows niya. Nung humarap siya sa press para sa launching ng kanyang album sa Viva Records na "Covers 2" na ginanap sa Red Box Karaoke sa Makati ay kasa-kasama niya ang aso niya. At kung bihis siya at naka-pormal na kasuotan para sa launching ay bihis din ang aso niya. At nang minsang nakawala ito sa pagkakahawak ng nag-aalaga dito ay pumunta ito sa may kinakantahan ni Regine at pumasok sa ilalim ng isa sa mga silya.

May pagbibirong sinabi ni Regine na ang aso niya ang kasama niya sa Valentine’s Day. "Pagod ako sa Valentine’s Day dahil katatapos lang ng dalawang gabing concert sa Araneta Coliseum kaya siguro ay matutulog na lang ako sa buong araw ng Valentine’s Day," anang Songbird of Asia na bagaman at ang "Hold Me In Your Arms" ang unang single na ini-release from the album, paborito ko ang version niya ng rock n roll na "Blue Suede Shoes" ni Elvis Presley na ginawa niyang blues, ay ang ganda!

"Ayaw kong mag-revive ng kanta na parang kinopya ko lang. Pag wala na akong makita na mapapaganda sa isang ire-revive na kanta ay hindi ko na lang inire-revive," sabi pa ng napaka-galing na singer.

Kaya ang ganda ng pagkaka-revive niya ng "Xanadu", "On the Radio", "Call Me", "Head Over Feet", "Kiss On My List" at marami pang iba.

Inamin ni Regine na paborito niyang hingan ng kanta si Ogie Alcasid dahil "Hindi siya madamot sa mga songs niya pero, maingat siya sa mga kanta niya. Type ko rin si Trina Belamide."

Samantala, nagpakita ng kanyang suporta kay Erik Santos si Regine nang pumayag itong makipag-duet dito sa isa sa mga awitin sa 2nd album ni Erik sa Star Records na pinamagatang Who’s Loving You Now". Ang duet nila na isang composition ni Ogie na pinamagatang "Bakit Iniibig Ka" ay may MTV na dinirek ni Bb. Joyce Bernal at kinunan sa isang subdivision sa QC.
* * *
Isang bagong all female showband ang kasalukuyang gumagawa ng pangalan sa music scene. Sila ang Simple Image Band na kagagaling lamang ng Toyota City, Japan at napapanood tuwing Martes, 12NT, sa programang On the Spot ng RPN9 na host si Richard Reynoso at RJTV 29, 9NG, hosted by Jojo Alejar, ka-alternate ng D’Movers of Yamari Dancers. Ang Simple Image at D’Movers ay minamaneho ng Yamari Int’l & Mgmt. Services, Inc.
* * *
Tumataba ang puso ni Ricky Reyes kapag sinasabing ang programa niyang Gandang Ricky Reyes, Linggo, QTV11, ang may pinaka-mataas na rating sa nasabing network.

Kung sabagay di naman ito nakakapagtaka. Sa set pa lamang ay gumastos na siya ng milyon. Namimigay din siya ng souvenir items sa mga nanonood ng show sa loob ng studio. At talagang pinag-iisipan ng production kung anong topic ang paguusapan kada linggo.

Ngayong Sunday, panauhin ang mga Unang Hirit girls na sina Atty. Gabby Concepcion, Rhea Santos at Suzy Entrata. Paiyakin din kaya sila ni Mader Ricky?

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BAKIT INIIBIG KA

BLUE SUEDE SHOES

CALL ME

ELVIS PRESLEY

ERIK SANTOS

GABBY CONCEPCION

GANDANG RICKY REYES

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with