^

PSN Showbiz

Dingdong wagi sa survey ng Belo!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Hindi pinalitan ni Dingdong Dantes si Derek Ramsay bilang celebrity endorser ng Belo Essentials. 

Endorser si Derek ng Oil Control Face Wash ng Belo Essentials at si Dingdong naman ang endorser ng Belo Whitening Soap for Men.

Sa survey kasi ng Belo Essentials, lumitaw ang name ni Dingdong na effective at reliable endorser. Hindi nahirapan ang Belo Essentials na kunin si Dingdong na endorser ng Whitening Soap for Men dahil nagkataon na endorser siya ng Belo Medical Clinic.

Ipinakilala kahapon si Dingdong bilang endorser ng Whitening Soap for Men at sa totoo lang, lalong kuminis at pumuti ang kanyang kutis dahil sa sabon na ginagamit niya.

Hindi mahirap hanapin ang Belo Whitening Soap for Men dahil mabibili ito sa 6,000 leading supermarkets. Ang sabon ng Belo Essentials ang solusyon ng mga lalake na type na pumuti ang kanilang balat sa affordable na halaga.

Si Cristalle Belo-Henares ang punong abala sa presscon ng Belo Essentials para kay Dingdong.

Gusto sanang pumunta ni Dra. Vicki Belo pero may mga pasyente siya para sa liposuction at thermage procedure.

Bilib na bilib si Cristalle sa nanay niya dahil ito ang personal na gumagawa ng mga nasabing procedure sa mga kliyente ng Belo Medical Clinic.

Puwedeng ipaubaya ni Mama Vicki sa ibang mga doktor ng Belo Medical ang liposuction at thermage procedure pero siya mismo ang nag-aasikaso sa mga pasyente.

Dalawang magkasunod na presscon ang pinuntahan ni Dingdong, ang presscon ng Tiktik: The Aswang Chronicles noong Lunes at ang event kahapon ng Belo Essentials.

Busy na si Dingdong sa promo ng Tiktik dahil showing na ito sa mga sinehan sa October 17. Masipag mag-promote si Dingdong kaya mag-expect tayo na lilibutin niya ang lahat ng mga programa ng GMA 7 para i-remind ang playdate ng kanyang pelikula na more than P70 million ang budget. Magkakaroon din ng mall tour si Dingdong at ang co-stars niya sa Tiktik:The Aswang Chronicles na hinuhulaan na another Shake, Rattle & Roll na naging franchise movie.

Direk Marilou ihahatid sa huling hantungan sa Sabado

Condolence sa mga naulila ng lady director na si Marilou Diaz-Abaya na namayapa noong Lunes dahil sa breast cancer.

Nagpadala kahapon si Marc Abaya ng text message tungkol sa pagbuburulan ng labi ng kanyang ina.

Inayos ang labi ni Marilou sa Arlington Funeral Homes at mula rito, dinala siya sa Ateneo de Manila Chapel, Gonzaga Building sa Katipunan, Quezon City.

Ibuburol ang labi ni Marilou sa Ateneo Chapel hanggang sa Biyernes at magkakaroon ng misa tuwing 8:00 pm. Ihahatid siya sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Paranaque City sa darating na Sabado, pagkatapos ng morning mass  sa Church of Jesus.

Close kay Marilou sina Lorna Tolentino, Amy Austria at Christopher de Leon.

Naging direktor si Marilou ng mga ala­ga ko sa maraming pelikula na ginawa niya.

Huli kaming nagkita ni Marilou sa burol ni Rudy Fernandez sa Heritage Park noong June 2008. May sakit na noon si Marilou pero Stage 1 pa lamang noon ang kanyang breast cancer.

Ang Jose Rizal, Karnal, Moral at Brutal ang ilan sa mga critically-acclaimed movie ni Marilou. Mga pelikula na magkakatunog ang mga pamagat.

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

BELO

BELO ESSENTIALS

BELO MEDICAL CLINIC

BELO WHITENING SOAP

DINGDONG

MARILOU

TIKTIK

WHITENING SOAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with