^

PSN Showbiz

Relasyon kay Maricar Reyes, inamin na finally ni Richard Poon

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Marami naman ang natuwa at kinilig nang aminin ni Richard Poon sa programang Kris TV na sila na ni Maricar Reyes simula pa nung July.       

Medyo matagal-tagal na rin simula nang ma­balita ang courtship ng dalawa pero kung dati ay in denial pa sila, ‘yung revelation ni Richard kay Kris surprised everyone. At sana hindi makaapaekto sa kanilang bagong relasyon ang ginawa niyang pagtatapat. Obvious na gusto lamang niyang i-share sa lahat ang magandang pangyayari sa kanilang buhay ng aktres na obvious din namang inspired sa kanyang trabaho ngayon.

Hindi pa sigurado ang singer kung ano ang theme song nila ng aktres , o kung mayroon man pero, sinabi nito na kapwa sila drawn sa awiting You and I kahit nung friends pa lamang sila. Nagsimula ang kanilang closeness nang gumawa sila ng video para sa awiting ito na nakasama sa album ni Richard.

Tippy Dos Santos, hindi pa masyadong kilala

Marami ang hindi pamilyar sa pangalang Tippy Dos Santos. Maski na ang pangyayaring hindi nila first time magtambal ni Sam Concepcion sa I Do Bidoo Bidoo at nauna na silang magkapareha sa Peter Pan, isang stage musical, ay hindi nakaka­tulong para makumbinse ang mga tagasubaybay ng lokal na showbiz na may K (karapatan) siyang ma­ging bida sa isang malaking pelikula na nagtatampok din kina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid at Eugene Domingo. 

Nakalabas na siya sa maraming prog­rama ng ABS-CBN pero wala pang sing-halaga at kasing-importante ng pelikula ng Unitel na kung saan ay nag-audition siya for the role ang ginampanan niya. Makikita naman sa pelikula kung bakit sa kanya ibi­nigay ang role ng kabataang babaeng nabuntis at kinaila­ngang magpakasal agad bago lumobo ang kanyang tiyan. Ito ay sa kabila ng malabis na pagtutol hindi lamang ng kanyang mga magulang kundi maging ng mga magulang ng lala­king nakabuntis sa kanya (Sam).

Proud si Tippy na makabilang sa I Do Bidoo Bidoo pero mas proud siya na makasama sa trabaho ang mga artistang dati ay hinahangaan lamang niya.

Eighteen years old na si Tippy kaya puwede na sa kissing scene na tulad nang ginampanan nila ni Sam sa musical movie na mapapanood na sa mga sinehan sa kasalukuyan.

Coco pumayag maging underground boxer

Kahit sa sobrang kaabalahan ni Coco Martin ay hindi ito nakatanggi sa isang alok na lumabas siya sa episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood sa Sabado, September 1. Tungkol ito sa isang underground boxer na lalo pang napasama ang buhay nang magpasyang magpakabuti. Nalulong siya sa mas maraming krimen at mahihirapan na siyang hanguin ang kanyang sarili.

PMPC nagdagdag ng kategorya

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng PMPC (Philippine Movie Press Club) ang bonggang pagdaraos ng 4th Star Awards for Music na magaganap sa Linggo, September 9, sa Meralco Theater.

Patuloy ang grupo ng mga entertainment writers sa pagbibigay ng ganitong pagkilala sa mga taga-industriya ng musika para sila lalong maengganyo sa paggawa ng mga awiting OPM (Original Pilipino Music) na magpapamalas ng talento ng mga Pinoy sa paggawa ng mga kanta na kanilang mailalahok sa music awards.

Ang Star Awards for Music ay lalong pinalaki sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kategorya  para sa Male and Female Concert Performer of the Year, Duo/Group Concert Performer of the Year. Karagdagan ito sa ginagawaran ng natatanging 15 Natatanging Alagad ng Musika gaya nina

Boy Christopher (Composer), Gary Valenciano, Kuh Ledesma,

Lea Salonga, Lito Camo (Composer), Martin Nievera,

Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Vehnee Saturno (Composer) at Zsa Zsa Padilla.

Mapapanood ang 4th Star Awards for Music sa Sept. 16 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN under Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino-Howard. Ito’y sa direksyon ni Al Quinn.

Imelda Papin may pa-benefit concert sa mga biktima ng habagat

Kahit nasa Amerika si Imelda Papin ay hindi nito pinababayaan ang kanyang mga kababayan. Gayung tahimik na siya sa kaisipang merong dalawang dialysis machine na available sa nga mahihirap na can’t afford ang ganitong treatment, nagbigay alalahanin din sa kanya na isa sa mga hinagupit ng Habagat ay ang kanyang lugar sa North Fairview. Hindi man binaha ang subdivision na kung saan ay nakatirik ang kanyang bahay, hindi naman nakaligtas ang kapaligiran nito sa malawakang pagbaha sa Kamaynilaan.

Isang pabenepisyo ang isinasagawa sa Glendale, California, sa araw na ito, sa Showpitz Restaurant and Bar. Pinamagatang Damayan Para Sa Bayan, itinataguyod ito ng Imelda Papin Fundation at lahat ng kikitain ay ibabahagi sa lahat ng biktima ng habagat. Tatampukan ito ng maraming entertainer na Pinoy na nasa US tulad ng magkakapatid at mag-inang Papin, Bernardo Bernardo, Long Espina, Jo Awayan, Christian Love at marami pang iba. Uuwi agad si Inelda pagkatapos ng benefit concert.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

I DO BIDOO BIDOO

IMELDA PAPIN

OGIE ALCASID

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with