^

PSN Showbiz

Aga at Regine, sinuwerte sa maliliit na mukha

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Working day sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang birthday ng una last Monday. Isang fund-raising golf tournament ang ginawa ni Ogie at si Regine naman ay dumalo sa presscon ng Of All the Things movie nila ni Aga Muhlach ng Viva Films at showing sa September 26.

Maagang dumating si Regine sa presscon at nag-thank you sa matagal na paghihintay sa movie nila ni Aga. Kapag may mga eksenang mataba sila, isipin na lang daw na may eksenang kumain sila para hindi na magtaka. Madalas ay close-up sila kinunan ni direk Joyce at dahil parehong maliit ang mukha nila ni Aga, hindi mahahalatang continuation ang mga eksena.

“Ecstatic” si Direk Joyce to be working with Aga and Regine again at tsinikang tense ang aktor sa first shooting day at nahawa siya

Rita nakakuha ng mga kakampi

Nagulat si Rita Avila sa pagkadawit niya kay Richard Gomez, ang pagti-text daw niya sa aktor ang tunay na rason sa pagre-resign niya sa Walang Hanggan. Ikinalungkot din ng aktres ang nasulat na may taong nasa likod nang bad and negative write ups sa kanya mula nang mawala siya sa soap.

Ang himutok ni Rita hindi niya alam kung bakit may mga gusto siyang siraan nang labis, pero ikinatuwang ipinagtanggol siya nina Cong. Lucy Torres-Gomez, Eula Val­dez, Dawn Zulueta, Goma at ibang nakasama sa soap.

Si Goma nga, ganun na lang kung ipagtanggol siya sa mga nagba-bash about her dolls dahil tuwang-tuwa rin ang aktor kina Mimay at ‘pag nakita ito, agad inilalabas ang celfone, nagpapakuha ng picture at ipinapakita kay Juliana.                                                                  

Samantala, nag-taping na si Rita para sa Sana ay Ikaw na Nga na balik tambalan din nila ni Jestoni Alarcon. Very light daw ang taping schedule niya kaya hindi siya mahihirapan. Pinayagan din siya ng kanyang doctor na bumalik sa trabaho at nagkataong ang GMA 7 ang may offer sa kanya.

John pitong taon pa ang bayaran sa bahay kaya kailangang kumita

Kinantyawan ng press si John Lapus sa presscon ng pelikulang Of All the Things na ‘pag natapos ang soap niyang Makapiling Kang Muli, jobless na siya, eh tatlo pa naman ang managers niya. Bukod sa jobless, loveless pa pala ang comedian na ang last relationship ay seven years ago pa.

Ayaw magpaka-negative ni John at na­niniwalang may bagong projects na dara­ting sa kanya after MKM dahil seven years pa niyang huhulugan ang four-bedroom townhouse niya.

“One thing na maipagmamalaki ko, for 19 years ‘di ako uma­bot na magmakaawang magkaroon ng trabaho dahil may dumara­ting na trabaho. Hindi pa rin ako umabot na sumipsip sa mga bossing para magka-trabaho,” wika ni John.

Anyway, gaya nina Aga Muhlach at Regine Velasquez, happy si John na finally, mapapanood na simula sa September 26, ang Of All the Things. Sa tanong kung ano ang role niya bilang si Rocky, “Assistant ni Berns (Regine), ako si Bernard Cloma,” sagot nito.  

Pepito Manaloto tuloy ang pagBAbalik

Tuloy na ang pagbabalik sa ere ng Pepito Manaloto, ang comedy show na pinagbibidahan ni Michael V. Sa September 16, Sunday pa rin ang airing schedule nito, pero hindi pa alam ang oras. Mas magandang episodes daw ang mapapanood sa muling pagbabalik ng show.

Bukod kay Michael V, balik din si Manilyn Reynes sa role ni Elsa, misis ni Pepito. Kasama pa rin sina Jake Vargas at Angel bilang sina Chito at Clarissa na mga anak nina Pepito at Elsa. Join pa rin sina Ronnie Henares, Janna Dominguez, Jon Fier, Mosang, at Arthur Solinap.

Bagong dagdag sa cast sina Jessa Zaragoza bilang si Deedee at si Nova Villa bilang si Mimi, mother ni Deedee.

vuukle comment

AGA AND REGINE

AGA MUHLACH

ALL THE THINGS

ARTHUR SOLINAP

BERNARD CLOMA

MICHAEL V

NIYA

PEPITO MANALOTO

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with