^

PSN Showbiz

Iza ayaw magpa-pressure kay Sharon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Kahapon sa Kris TV ay si Iza Calzado ang naging special guest co-host ni Kris Aquino dahil wala si Senator Chiz Escudero. Marami ang nagsasabing magaling din si Iza sa pagiging talk show host dahil nakipagsabayan siya sa Queen of All Media sa mga nakakaintrigang tanong sa mga guests na sina Jason Francisco, Dominic Roque, at JM De Guzman. Ayon kay Iza ay ginagalingan daw niya talaga ang bawat proyekto na kanyang ginagawa.

Samantala, masaya rin ang dalaga sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang teleserye sa Primetime Bida na Kahit Puso’y Masugatan. “Masaya ako tuwing nakakatanggap ako ng tweets about it at meron pa ngang nagpapasimuno ng hash tag na earlier time slot for the show, and I really wish that we could come earlier but bahala na si Batman,” nakangiting pahayag ni Iza.

Bukod sa kanyang soap opera ay malapit na rin daw mapanood si Iza bilang bagong host ng Pinoy Biggest Loser Doubles Edition. Napi-pressure na kaya siya ngayon bilang si Sharon Cuneta ang dating host ng nasabing programa? “I don’t feel any pressure. Of course I understand she is the Megastar and in terms of her magnitude as a star in the Philippines, I can never fill in those shoes but I also know where I stand in the health and fitness field. When it comes to losing weight I know I can hold my own. It has nothing to do with anything but me and my journey. Kumbaga kampante ako sa kanya na pinagdaanan ko ‘yan,” paliwanag ni Iza.

Paul at Myrtle nagkasundo agad

Naging tapat ang Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4 Big Winner na si Myrtle sa pagsasabing crush niya si Paul Salas. Kamakailan ay nabanggit niya ito sa Kris TV at muli niyang inamin sa Bandila ang kanyang pahayag. Nakarating naman kaagad kay Paul ang tungkol sa sinabi ni Myrtle at na-flatter naman daw ang binata. “Noong sinabi ni Myrtle sa Bandila na crush niya ako, ginuest na rin siya sa Toda Max so abangan nila ‘yung love team namin doon,” natatawang pahayag ni Paul. “Sobrang saya ko kasi noong napanood ko pa lang si Myrtle sa PBB, noong napag-usapan namin ng mga kaibigan ko kung sino ‘yung pinakamaganda sa PBB, sabi ko ‘Si Myrtle, ‘yan ang mananalo.’ So noong nanalo siya tapos narinig ko sa Bandila na crush niya ako, siyempre masaya kasi feeling close friends na rin kami. Parang best friends from first time namin magkita sa Toda Max. Noong pagkakita namin, best friends na kami,” kuwento ni Paul.

“Nagyayaan kaming dalawa sa Eastwood next weekend. Magbo-bowling kami, pareho kasi kaming mahilig dun. Sabi kasi niya, ‘Uy! Parang ang saya palang makasama ikaw.’ Sabi ko ‘Tara!’ dagdag pa ni Paul. Ngayon ay labing-apat na taon pa lamang si Paul kaya wala pa raw sa isip niya makipagrelasyon.     Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BANDILA

BIG WINNER

CHIZ ESCUDERO

DE GUZMAN

DOMINIC ROQUE

IZA

IZA CALZADO

JASON FRANCISCO

KAHIT PUSO

TODA MAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with