^

PSN Showbiz

Janice intimidated kay Vilma

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Bukod kay Kim Chiu ay makakasama rin ni Governor Vilma Santos sa pelikulang The Healing na mapapanood na sa July 25 si Janice de Belen.

Kahit mahigit tatlong dekada na ang aktres sa industriya ay sinisiguro niyang pinaghuhusayan niya ang bawat pagganap.

“Dapat naman ’yung impression sa actors you just act it out. Dapat galing ’yan from a place in your heart. You give a piece of yourself,” seryosong pahayag ng aktres.

Ninerbiyos si Janice nang makaeksena ang Star For All Seasons. “Noong una, nakakanerbiyos kahit sa first take ninenerbiyos kasi, ‘Uy! Si Ate Vi ’yan, nakaka-intimidate.’ Pero because you’re acting with her, dapat malampasan mo ’yung nerbiyos. It has to work for you. Siyempre ’pag nag-warm up na kayo, nawawala ang nerbiyos mo eh. Nagbibiruan na kami, parang kuwentuhan na kami so, hindi na kami masyadong ninenerbiyos,” nakangiting kuwento ni Janice.

Minsan ay na-starstruck din ang aktres kay Ate Vi habang may ginagawa silang eksena.

“Sa isang eksena kasi medyo dramatic ng konti. Tayong mga artista, we like to support each other. Lumapit siya sa akin pa-support,” dagdag pa ni Janice.

Malaking tulong din sa kanila ang direktor na si Chito Roño. “Very direct, sinasabi niya kung ano’ng kailangan niya sa ’yo. Gusto niya sa rehearsal ginagawa mo na lahat ng kailangang gawin,” paglalarawan pa ni Janice.

Myrtle hindi na nasasaktan sa mga paninira

May ilang mga bumabatikos sa social networking site na Twitter tungkol sa pagkapanalo ni Myrtle Sarrosa bilang Big Winner sa pinakahuling edisyon ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4.

Hindi naman nagpapaapekto si Myrtle at papatunayan niyang siya ang karapat-dapat manalo.

“Of course mahe-hurt ako at first pero na-realize ko nakanilang opinion ’yun. For me, masaya ako,” bungad ni Myrtle.

“Before entering PBB, hindi naman po sa pagmamayabang, may name na ako sa cosplay community kasi nagko-compete ako nationwide. May supporters na talaga ako. So, ’yun po, baka po tinulungan nila ako and very thankful ako sa kanila dahil tinulungan nila ako,” paliwanag ng dalaga.

Ano na kaya ang tunay na relasyon nila ngayon ni Yves Flores? Isa ring dating housemate si Yves at na-link sa dalaga habang nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.

“Sa ngayon friends kami, ayokong magsalita nang patapos pero for me, wala akong plano ngayon magpaligaw. Wala akong planong magka-boyfriend and uunahin ko ’yung opportunities,” pagtatapat ni Myrtle.

Wala namang problema sa Big Winner kahit na binabansagan ang kanilang grupo ng ‘PBB Teens’ na tumutukoy sa pagiging agresibo ng mga kabataan ngayon.

“Para sa akin, okay lang ’yun na tawagin kaming PBB Teens pero para sa amin talaga ’yung relationship namin is more like brothers and sisters. And parang tuwing magkakasama kami, nagkakatuwaan lang kami,” paliwanag ng dalaga.   Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ATE VI

BIG WINNER

CHITO RO

DAPAT

JANICE

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with