^

PSN Showbiz

Jolina joins GMA!

- Veronica R. Samio -
Napanood nung Linggo si Jolina Magdangal sa Kahit Kailan, ang pan-linggong serye ng GMA7, hindi bilang isang guest dahil bahagi na siya ng regular cast ng nasabing programa na nagtatampok kina Roxanne Barcelo at James Blanco sa lead roles. Gagampanan niya ang role ni Frankie, ang dalagang medyo kalog at may ginintuang puso. Tiyak na kagi-giliwan n’yo si Jolina sa kanyang bagong prog-rama dahil ipakikita niya sa inyo ang kanyang husay sa kakaibang drama, dramang may halong comedy na siya niyang forte.

Sa kanyang first taping para sa nasabing serye ay medyo na-intimidate sa kanya si James, ayaw ibigay ang buo nitong kakayahan, kaya kinausap niya ito at sinabihan na kailangan nilang mag-suportahan. Natapos naman nila ng maayos at masaya ang kanilang trabaho.

Sa kanyang paglabas sa Kahit Kailan, tuluyan namang itinigil ng ABS-CBN ang pagpapalabas ng Arriba, Arriba!

"Nagulat ako dahil nakapag-taping pa ako bago ako nasabihan na huling taping na yun. Sayang, kung alam ko lang ay nakapag-paalam pa ako sa mga kasamahan ko sa show. Ang nangyari ay tinext ko na lamang sila at sinabi ko na mawala man ang show, ang friendship namin ay hindi maaaring mawala at yun lamang ang mahalaga. Marami sa kanila, texted me back," malungkot niyang sabi.

Inamin ni Jolina na hindi siya nagulat sa pagkawala ng Arriba! Alam niya ang policy ng ABS na "All or Nothing" at ang exclusivity nito sa kanilang mga talents. "Nung December pa naman natapos ang contract ko para sa Arriba, inextend lang nila," paliwanag niya.

May isa pang show si Jolina sa ABS, ang Cover Story sa Cable Channel. Nang pasabihan siya na may taping siya rito ay nagsabi muna siya na iklaro muna nila ito sa istasyon at baka wala na rin siya dito. "Wala kaming taping for July dahil naka-schedule ito for replays," aniya.

Bago siya pumasok ng Kahit Kailan, pinasabihan naman ng GMA si Roxanne Barcelo tungkol sa pagpasok niya, pati ang mga magulang nito. Welcome naman sa kanila ang ideya. Minsan pa lamang nakalabas sa programa si Jolina pero agad ay tumaas ang rating nito.

Gusto na ni Jolina ang maging isang freelancer para naman masubukan niya ang magtrabaho sa ibang kumpanya kasama ang iba pang tao. Tulad ng The Working President na tinanggap niya dahil makaka-tulong siya sa youth sector. "Last consideration ko po rito ang talent fee. A political din ito at walang kinala-man sa kampanya ng Pangulo," sabi niya.
*****
Apat na taong absent si Lloyd Umali sa music scene pero, never siyang tumigil sa pagkanta dahil patuloy ang kanyang pagpi-perform dito sa bansa at maging sa labas nito. Kararating lamang niya mula sa bansang Hapon na kung saan ay nag-fulfill siya ng singing engagement.

"Naapektuhan din ako ng piracy kaya nawalan ako ng gana," panimula niya. "Nag-iba rin ang trend kaya ginamit ko ang oras para makapag-research kung ano ang gusto ng tao," paliwanag niya.

Lloyd is back with a brand new album from Viva Records titled "Babalikang Muli", prodyus ni Bob Aves at may tig-isang komposisyon sina Vehnee Saturno at Ricky del Rosario.

Sa 12 awitin na nakapaloob sa album, walo rito ang revivals ng mga pambabaeng awitin na inawit niya sa kanyang sariling pamamaraan. "Ayaw kong mag-revive ng awitin ng lalaki dahil wala itong magiging kaibahan," pagmamalaki niya.

Ang mga originals ay ang "Babalikang Muli" ni Saturno, isang duet nina Lloyd at Carol Banawa "Pagkat Wala Ka" ni Tito Cayamanda, "Tugon Sa Aking Dasal" ni Mike Eleazar at "Narito Ka Lang Pala" ni Jungee Marcelo.

Ang mga revivals ay ang mga compositions nina Dennis Garcia ("Sa Isip Ko" na pinasikat ni Agot Isidro), Louie Ocampo ("Tell Me" ni Joey Albert), Willy Cruz ("Kahit Na" ni Zsazsa Padilla) Cecile Azarcon ("How Did You Know"), at ang mga foreign hits na "How Do I Live", "These Dreams" at "Sometimes Love Ain’t Just Enough".

Matapos ang matagal niyang pagkawala sa local music scene, muling makikita at maririnig si Lloyd para sa promo ng kanyang album sa mga sumusunod na lugar: Agosto 2, SM Manila 5 nh; Agosto 3, SM Fairview; Agosto 4, SM Sucat; Agosto 9, SM North Edsa; Agosto 11, SM Southmall; Agosto 16, SM Bacoor, Agosto 17, SM Pampanga, Agosto 18, SM Centerpoint. Makakasama niya sa lahat ng palabas ang kasamahan niya sa Viva Records na si Leia Alano.

vuukle comment

AGOSTO

BABALIKANG MULI

JOLINA

KAHIT KAILAN

LLOYD

NIYA

ROXANNE BARCELO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with