^

PSN Showbiz

Bold actress, nagtatago dahil sa utang!

-
Talagang laos na ang dating sikat na bold actress na ito. Wala na siyang ginagawang pelikula. Sakaling mayroon man ay pangsuporta na lang di gaya noon na siya ang bida at isa sa pinakasikat na bold actress. Nang tumaba ito at nagpakaloka sa pag-ibig ay tuluyan nang nanamlay ang career.

Minsan ay nakita niyang nagdala ng mga goods ang isang kasamahang artista. Umorder ito ng kung anu-anong goods kasama ang mamahaling sapatos kung saan inabot ang nakuhang mga gamit ng almost P4,000. Matigas ang ulo ng nagbebentang aktres dahil sinabihan na ito na huwag bibigyan ang bold actress ng mga paninda dahil baka mahirapan siyang singilin ito ay binigyan pa rin.

Nang sinisingil na ang bold actress sa napagkasunduang petsa ay kung anu-ano ang mga excuses nito at sinabing babayaran siya dahil maliit lang namang halaga ang kanyang nakuha.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nababayaran at tuluyan na ring dinedma ang mga text messages nito sa kanya.
Aiko, Pabor Sa Diborsyo
Matagal nang pangarap ni Aiko Melendez na maging isang pulitiko.

‘‘Ito ang tamang panahon na pumasok ako sa pulitika, right party, kaya nanalo din ang aming mayor na si Sonny Belmonte, kaya double victory. Hindi pa maayos ang aking opisina at naninibago akong umupo sa session hall. Totohanan na ito hindi gaya nang nagaganap sa syuting ng pelikulang ginawa ko noon,’’ sabi ni Aiko.

May inihaing bill si Sen. Rodolfo Biazon tungkol sa divorce at sang-ayon ang aktres na maaprubahan ang batas. ‘‘Mas maganda kung maghiwalay na lang nang maayos ang mag-asawa kaysa lagi silang nag-aaway. Okey na magkaibigan na lang kami ni Jomari at nag-uusap. Panahon na lang ang makapagsasabi kung muli kaming magkakabalikan. Ang mahalaga ay manatili ang aming mabuting pagkakaibigan,’’ aniya.

Inamin ng aktres na nawala na ang komunikasyon sa pagitan nilang mag-asawa to a point na hindi na sila nag-uusap kahit noong magkasama sa iisang bahay pero ngayon ay okey na uli. Nakikiusap din ang aktres na sana’y maputol na ang tsismis tungkol sa kanya kung saan inili-link siya sa iba.
Priscilla, Handa Nang Maging Ina
Apat na buwan nang buntis si Priscilla Almeda at manganganak siya sa December. In-love ang magandang aktres sa ama ng magiging anak na nagngangalang Shoff Ricablanca na naka-base sa New York. Nagtatrabaho si Shoff bilang medical technician sa isang hospital sa New York. Nakatira ngayon ang aktres sa pamilya nito. Nagkaroon ng pagkakataong makasama ng aktres ang kanyang biological family sa Alberta, Canada at nadalaw din ang kinalakihang pamilya sa Vancouver. Kumpleto ang naging kaligayahan ni Priscilla dahil bukod sa mga mahal sa buhay ay doon din niya natagpuan ang kanyang mabait na BF na inaasahan niyang makakapiling niya habang buhay kasama ang kanilang magiging anak.
Natalia, Thalia Ng South Amerika
Binagyo ang pagdating ni Natalia Oreiro noong Huwebes kung saan matagal na pinaghintay ang mga press people at photographers sa paanyaya ng GMA. Na-delay kasi ang flight na nanggaling ng Bangkok mula sa Southern Amerika.

Una kaming pinasabihan na darating ang magandang bida ng telenobelang Monica Brava ng 5:40 p.m. pero na-delay ito at naging 6:30 p.m. Handa na ang mga kamera sa pressroom nang sabihing maaantala pa ang biyahe at naging 10 p.m. ito. Ipinasya ng mga GMA executive sa pangunguna ni Peachy Guioguio na kumain muna at nang bumalik ay sinabing tiyak na itong darating ng 11:15 pm.

Nakita naming dumating ang 98 Degrees at kasunod na si Natalia. Naghintay pa kami ng kalahating oras bago ito tuluyang nakalabas dahil nag-make-up pa yata o nagpalit ng damit. Sulit naman ang aming paghihintay dahil superganda nito, seksi at karinyosa. Naitanong ko during the open forum kung alin ang mas gusto niya between singing and acting dahil popular siyang aktres at singer sa Argentina. Mapapantayan din kaya niya ang kasikatan ni Thalia ng Marimar? ‘‘Pareho kong mahal ang singing at akting at nagsimula ako sa pag-arte noong ako’y walong taong gulang pa lang at gustung-gusto ko ring kumanta sa iba’t ibang concert gayundin sa pagiging recording artist,’’ aniya sa tulong ng interpreter. Sinabi pa rin niya na alam niya ang kasikatang tinamo noon ni Thalia at kung papalarin ay gusto rin niyang makilala dito kaya lang konting panahon lang ang kanyang ilalagi (tatlong araw) para makilala ang lahat. Pero gusto niyang makabalik uli ng bansa.

Si Natalia ay 24 years old lang kaya masayahin, palabiro at mabilis magsalita. Isa rin siyang commercial model at naging bida sa Ricos y Famosos at naging big hit sa pelikulang Un Argentino en Nueva York. Type niyang lumabas sa comedy. Bilang magaling na singer ay nagkaroon na siya ng double platinum record sa kanyang self-titled album.

vuukle comment

KUNG

LANG

NANG

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with