^

PSN Showbiz

Angelika, gumawa ng promo tour sa Japan

-
Kagagaling lang ni Angelika dela Cruz ng Japan. Nag-promote siya roon ng kanyang album titled "In My Dream." Ipinalalabas ang kanyang MTV sa Channel 49. May radio tour at TV guesting siya at ilang pagbisita sa Filipino community roon. Kilala na rin si Sunshine (palayaw ng aktres) sa nasabing bansa dahil ilang ulit na siyang nakikita sa TV habang iniinterbyu ng mga Japanese TV host. Marunong ng Nipongo ang aktres.

Gagawa ng Japanese album si Angelika na binubuo ng love and pop songs at iri-release rin sa ating bansa.

"Iba ang feeling kapag binibigyan ka ng importansya sa ibang bansa. This way, nakikilala rin ako roon. Naghahanda na ako para sa isang Japanese album kaya babalik din ako roon."

Tuloy pa rin ang pagte-teyping niya ng bagong soap opera na Ikaw Lang ang Mamahalin (dating Ngayon at Kailanman) kung saan siya ang bida kasama si Sunshine Dizon at mga premyadong artista. Regular mainstay pa rin siya sa SOP.
Eddie, In-Demand Pa Rin Sa Telebisyon
Halos lahat ng kapanabayang artista ni Eddie Gutierrez sa Sampaguita Pictures noon ay hindi na naging aktibo sa pelikula at telebisyon. Si Jose Mari Gonzales ay pumasok na sa pulitika at isa nang congressman samantalang si Romeo Vasquez ay bihirang mapanood kahit sa telebisyon.

Samantalang si Eddie ay in-demand pa rin sa pelikula na ang karaniwan niyang papel ay kontrabida. Kamakailan ay nagbida uli siya sa Mister Mo, Lover Ko katambal ni Elizabeth Oropesa.

Kasama rin siya sa soap opera na Ikaw Lang ang Mamahalin. Gagampanan niya ang papel bilang asawa ni Carmi Martin. Isa sa mga sekreto kung bakit hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ito ay dahil sa pagiging versatile actor. Malaki rin ang naitutulong ng kanyang asawang si Annabelle Rama dahil suportado nito ang kanyang career.
Star Awardssidelights
Dumalo ako sa 17th PMPC Star Awards for Movies noong Sabado. Punumpuno ng tao ang venue kaya lang hindi pa rin maiwasan ang pagkakaingay ng mga fans sa loob ng UP auditorium.

Mabilis ang pacing ng programa at nasunod ang oras ng pagtatanghal. Color of the night ay black bagamat may ilang celebrities na nakasuot ng gown na aquamarine na lalong nagpatingkad sa kagandahan ni Lorna Tolentino kaya nanalong ‘Star of the Night’ gayundin ang seksing si Samantha Lopez o Gracia.

Proud na proud si Eric Quizon na tumayong emcee nang manalo ang kapatid na si Jeffrey Quizon at tuwang-tuwa itong nakatingin sa kapatid habang nagbibigay ng acceptance speech. Kaya lang nang dumating si Diether Ocampo ay nagsigawan ang mga fans at halos hindi na marinig ang ibang sinabi ni Jeffrey. Naniniwala akong may relasyon sila Jeffrey at Mylene Dizon dahil sila ang magkahawak-kamay nang palabas ng auditorium.

Well-applauded ang number nina Rica Peralejo, Geneva Cruz at Piolo Pascual habang inaawit ang nominated theme songs. Panay ang tilian ng mga kabataan kay Piolo at Diet. Bagay na pareha sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Payat si Rustom Padilla na naging presentor.

Nagtawanan ang mga tao kay Rudy Fernandez nang magkamali ito sa pagsasabing Biyaheng Bicol sa halip na Biyaheng Langit kung saan nominado si Mark Anthony Fernandez bilang best actor.

Ordinaryong tanawin ang mga seksing kasuotan ng mga ST stars kung saan halos lumuwa na ang kanilang dibdib lalo na si Piel Morena at Halina Perez.

Simple lang si Angel Aquino nang tanggapin ang award bilang best supporting actress at simple din ang acceptance speech kung saan nagpasalamat lang sa mga taong nakatulong sa kanyang career kabilang na ang kanyang boyfriend at mga anak na hinandugan ng kanyang karangalang nakamit.

Ang ganda pa rin ni Boots Anson Roa sa kanyang violet na terno na siyang tumanggap ng Ulirang Artista Award.

vuukle comment

ANGEL AQUINO

ANGELIKA

ANNABELLE RAMA

IKAW LANG

KANYANG

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with