^

PSN Showbiz

OA si Maricel

-
Dumating ang isa kong kaibigan after a few months’ vacation in Japan at ang una naming pinanood na pelikula pagdating niya siyempre ay Abandonada dahil favorite niya si Maricel Soriano.

Bigay todo ang akting ni Maricel na para bang hindi na siya makaka-akting muli.

Parang hindi ayos ang timpla ng pelikula dahil mas matindi pa ang pansin sa mga maid sa pelikula gaya nina Maureen Mauricio at Ynez Veneracion kaysa kay Angelu de Leon na siyang ka-triangle ni Maricel kay Edu Manzano.

Salbahe na naman ang role ni Edu sa pelikulang ito na para bang inaangkin nang lahat ang evil characters sa local movies. Parang maraming dapat ipaliwanag na inconsistencies ang pelikula pero sabi nga sa akting lang ni Maricel na napaka-intense at napaka-sincere ay sulit na ang pera at panahon mo.
Daig si Jackie Chan
Ang pelikulang Charlie’s Angels ay huwag mo nang hahanapan ng plausibility o logic basta panoorin mo na lang ang effects at ang mga bidang babae sa kanilang action sequences. At ang gaganda nina Cameron Diaz, Drew Barrymore at Lucy Liu. Walang sinabi ang isang Jackie Chan movie dito kung mga action gimmicks ang pag-uusapan. Syempre may malaking krimen na dapat lutasin ang mga Angels na ubod ng bilis, ubod ng lakas, sobrang talino at sobra rin naman ang pagka-naive kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ito raw sa kasalukuyan ang no. 1 movie sa takilya sa buong Amerika at no. 1 din sa takilya sa mga nakikita ko sa mga mall cinemas. Kung ganito kalakas ang pelikula, natural din sigurong nasa planning o shooting stage na ang sequel gay ang Mission Impossible at The Matrix na talagang action sequences lang ang pinagbubuhusan ng galing, gastos at talino sa production. Tulad ng iba pang TV series noong 1970s, ang Charlie’s Angels ay nagiging popular sa new generation of audiences kahit na ang istorya maliban sa characters ay ibang-iba sa original.
Piolo, very in-demand
Ang talagang tagumpay sa takilya ay ang Kahit Isang Saglit kung mapapaniwalaan mong lahat ang mga press releases ng Star Cinema, ito ay nagpapatunay at nagpapatibay sa reputasyon ni Judy Ann Santos bilang most popular young actress today at siguro nga the most popular actress–young or old or middle aged.

Pero nariyan pa naman sina Maricel Soriano, Regine Velasquez, Ara Mina, Joyce Jimenez upang harangin ang kanyang lubos na pagka-reyna ng pelikulang Tagalog. Ang sabi nga ay ang takilya ang tunay na sukatan kung sino ang dapat tanghaling reyna o hari. Pero sa kanyang mga kaibigang aktres tulad nina Claudine Barretto at Jolina Magdangal, na parehong nasa ABS-CBN/Star Cinema stables, maliwanag na ang mga senyales.

Sa bisa rin ng tagumpay ng Kahit Isang Saglit nakalampas na ngayon si Piolo Pascual sa mga Talent Center boys kahit pa nga raw ang talagang paborito doon ay sina Diether Ocampo at Jericho Rosales. Tambak na nga raw ang assignments ni Piolo sa TV at planned movies kaya hindi na ito makuha ng ibang independent producers. Pero mayroon pa raw isang kontrata si Piolo sa Crown Seven Ventures base sa kanyang original two-picture contract nang simulan niya noon ang Lagarista. Matunog din daw si Piolo sa mga award giving bodies sa pagka-best actor. Pero matunog din daw si Carlos Morales sa Laro sa Baga.

Marami rin ang nagsasabi sa akin na parang hindi pantay ang roles nina Leandro Muñoz at Piolo sa Kahit Isang Saglit. Dahil nga mas interesting ang character ni Piolo at sa kalahati ng movie ay multo na lang si Leandro at wala namang kabuhay-buhay ang kanyang pagka-multo. Mas bida siyempre si Polo.
Lacson movie, oks na
Isa nga sa malalakas na entry sa MMFF ay ang Ping Lacson Story na ang balita ay hindi pa tapos ang post-production. Pero pinabulaanan naman ng staff ni Aster Amoyo na siyang PRO ng pelikula.

"Matagal nang tapos at katunayan nga nag-pictorial na kami noong isang linggo." Siguro this week baka maipalabas na rin ang Syota ng Bayan para mapatid na ang uhaw ng mga fans ni Priscilla Almeda. Isang taon na rin siyang hindi nakikita sa big screen kahit na tatlong pelikula na raw ang natatapos niya. Muntik na yatang ma-X ang Syota pero pagkatapos ng konting tabas, nakalusot din ang pelikula sa MTRCB.

Speaking of Aster Amoyo, maraming natuwa sa pagkakapanood ng coverage niya kay Katy dela Cruz sa Amerika. Napanood ko noong bata pa ako ang stage musical na Katy at si Mitch Valdez ang bida. Na-meet ko rin ang original na Katy dela Cruz na kaibigan pala ng father ko at ang natatandaan ko nga sa kanya ay ang kanyang pagiging vivacious at accommodating sa kanyang mga fans. Naikuwento ko pa nga sa lola ko na noon ay buhay pa at she remembered Katy as a very spirited singer of fast songs with and songs with double meanings or sexy songs. Noon daw 1930s ay sikat na sikat na si Katy. Aster showed her on camera but she was not interviewed at length pero marami ang natutuwa na malaman na siya ay buhay pa at mukhang very lively pa ang personality.
Local movies, kumikita
Natural lang siguro sa pagpasok ng Disyembre, kaliwa’t kanan na ang mga big events sa local entertainment scene.

Ngayong Lunes ng gabi sa SM Megamall may advanced preview ang Blair Witch 2: Book of Shadows na release ng Solar Films, bukas naman Tuesday ay may press conference para sa The Ping Lacson Story ng Millennium Films at may advanced preview ang Markova, The Comfort Gay ng RVQ Films sa Glorietta Cinema.

At sa Wednesday, may mga ilang Tagalog movies ang magbubukas sa mga sinehan kabilang na ang Juan & Ted: Wanted nina Janno Gibbs at Bayani Agbayani. Isang magandang balita ay kumikita raw lahat ang mga local movies sa takilya, bagay na nagbibigay encouragement sa industry at maganda ang hinaharap ng MMFF.
* * *
Email: [email protected]

vuukle comment

CENTER

KATY

PERO

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with