^

PSN Showbiz

Nakakaiyak, parang pelikula ang buhay ni Nonoy Tan

-
Si Nonoy Tan, isa sa pinakatanyag na songwriters o karakter at karisma. "My life is an composers ng bansa, ay may kakaibang open book," sabi niya sa isang exclusive interview. "May time nga na gustong isapelikula ng Regal ang buhay ko, si Christopher de Leon sana ang gaganap. Pero sa 100 thousand na gusto kong ibayad para sa film rights, 50 thousand lang ang gusto ni Mother Lily. Hindi ako pumayag."

Parang pelikula talaga ang buhay ni Nonoy. Para ring musika na kung minsan ay malungkot, kung minsan masaya. "Panganay ako sa 14 na magkakapatid. Taga-Davao City. Noong maliit pa kami, talagang mayaman ang Papa ko at Mama ko. Pero nasa high school ako nang malugi sa business ang father ko. Bankrupt ang logging business.

"Kinse anyos ako nang mag-start akong mag-compose ng kanta. Yung classmates ko sa Davao National High School, nagtayo kami ng banda, trenta pesos lang ang renta ng instrumento noon, buong araw na yon."

Nakatapos ng Bachelor of Science in Commerce major in Accounting si Nonoy kahit self-supporting student, sa Ateneo de Davao noong 1971. "It took two jobs dahil gusto ko talagang makatulong sa pamilya. Nagtrabaho ako sa Stanfilco, isang banana exporter firm, sa gabi, kumakanta ako with the band sa clubs sa Davao.

"Lahat ng kita ko, ibinibigay ko sa nanay ko. Mula kasi nang bumagsak ang business ng tatay ko, sobra talagang kahirapan ang dinanas namin. Halos walang natirang gamit sa bahay, ni walang naipundar, ni wala kaming matirahan. Sad to say, my father died a pauper in 1977," pagtatapat ni Nonoy na ramdam mo ang hinanakit ng loob.

Sa pangarap na makaahon sa kahirapan, humugis ang pangarap kay Nonoy na makarating ng Maynila. "Pag nasa probinsiya ka, talagang may pangarap kang makarating ng Maynila. That was a dream for me then," patuloy ni Nonoy. "After my father’s death, with 700 pesos in my pocket, sumakay ako ng barko, sa third class, nagpunta ako ng Maynila at nakitira sa Auntie ko, kapatid ng tatay ko.



"Tinawagan ko agad yung mga kaibigan ko sa banda na nakapunta na ako ng Maynila. Isinama nila ako sa Wild Duck kung saan sila kumakanta. Later on, nagsolo na ako at nakakanta sa Dutch Inn, may isang slot ako roon. Si Rey Salac ang major performer doon noon. Si Rey din ang nagpakilala sa akin kay Nelly Dolino na napangasawa ko. Nagtatrabaho si Nelly sa Insular Life Assurance Company, nagsa-sideline bilang singer sa Dutch Inn.




Habang kumakanta ako, inilalapit ko naman ang mga nagawa kong compositions sa iba-ibang recording companies. Pero rejected itong lahat. Hanggang ma-meet ko si Mario Jadraque ng Wonder Records. He introduced me later to Del Horest na ang advice naman sa akin, i-try ko ang Wea Records. Never heard, sabi ko. Mas gusto ko, OctoArts o Vicor. Gusto ko kasing maging isang Rey Valera, a singer songwriter. Sinamahan ako ni Del sa Wea office, sister company pala ito ng Dyna. Nagustuhan naman ang compositions ko, Sabado noon, pinababalik ako ng Miyerkules.

"Excited talaga ako nang dumating ang Miyerkules. Sabi ko sa Auntie ko, magkakatrabaho na ako sa isang opisina. Pinuntahan ko ang building na yon sa Maynila. Pero nagulat ako sa dami ng mga tao sa harap ng building. Nakatingin silang lahat dito. Kasalukuyan kasi itong nasusunog!

Lulugu-lugo at latang lata na umuwi si Nonoy ng bahay. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang manangis. "Talagang bagsak ang mundo ko noon. Sabi ko sa Auntie ko nang makauwi na ako at ikuwento ang pangyayari, ano bang kamalasan ang nangyayaring ito sa buhay ko? Sabi ng Auntie ko, umuwi ka muna ng Davao at magpalipas ng sama ng loob, isama mo yung mga pinsan mo dahil magtatayo ako ng stall sa Aranque market."

Sa probinsiya, nang malaman ng mga kaibigan niya’t kakilala ang nangyari sa kanya, imbes na makisimpatiya, inulan pa siya ng pang-uyam. "Masyado ka kasing ambisyoso! Ang ganda na nga ng trabaho mo rito, nagpunta ka pa ng Maynila," sabi nila.

"Pero naging challenge sa akin ang pinagsasabi nila," sabi ni Nonoy.

"Sabi ko sa kanila: Tandaan ninyong lahat ito, uuwi akong muli ng Maynila at hindi ako babalik dito sa Davao na hindi sikat."

Sa kabutihang-palad, ang kinalalagyang palapag ng Wea Records ay hindi naman nasunog. Nabasa lang ang buong kuwarto’t palapag. Dahil sa tinapos niyang kurso sa college, naging promotions coordinator si Nonoy ng Wea. Siya ang lumikha sa Voltes Gang, pagkatapos. Pumutok ito at dumating ang pagkakataon na lumikha na siya ng mga kanta para sa Boyfriends na sumikat din. Unang recorded composition ni Nonoy ang "Iniibig Kita".

Sumilang din ang grupong Wadab (binaligtad na Dabaw o Davao) na kinabibilangan ni Nonoy at mga kaibigang sina Rey Magtoto, Benjie Cawillan, Tato Malay at Mon Torralba. Sa TV appearance ng grupo na na-ere sa Davao, nagbunyi ang mga kababayan ni Nonoy sa kanya. Sikat na siya kasi!

Katanyagan ng Wadab nang ikasal si Nonoy kay Nelly. Twenty-nine na siya noon, twenty-four si Nelly. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Sharmaine at Champoy. Ang nilikhang awitin ni Nonoy ay nagwagi sa 1982 Metro Pop Music Festival, "Kahit La-la-la, Puwede Na", na inawit ng Champoy duo, Subas Herrero at Noel Trinidad. "It was a turn-around of my song writing career. Tumaas ang self-esteem ko at confidence. One week after my wife and I received the grand prize, she gave birth. I named him Champoy."

Masaya na sana ang buhay ni Nonoy, maganda ang career niya, pati trabaho ng kabiyak niya. Dumating ang trahedya sa buhay niya. Sa ikatlong pagbubuntis ni Nelly, natuklasan ng doktor na may cancer siya sa tiyan. "It was a tough decision to make then," sabi ni Nonoy. "Ooperahan ang wife ko, at iisa lang ang pipiliin ko, siya o yung baby. I sacrificed my child. But 3 months after the operation, my wife died. Doon gumuho ang buhay ko. Ni hindi ako makagawa ng kanta. Wala ako sa sarili, para akong zombie. My friends could only sympathize with me. But life has to go on at kailangan ako ng mga anak ko. Si Sharmaine, 3 1/2 years old lang. Si Cham, 10 months. Limang taon lang kaming nagsama ng wife ko. She died in 1982 at the age of 29."

Apat na taon ding pinalipas ni Nonoy ang pagiging biyudo. Hanggang makilala niya si Marita Estrada, sampung taon ang kabataan sa kanya. Isa itong Nursing student, taga-Davao din, at bunso sa 14 ding magkakapatid. Hindi na pinag-nurse ni Nonoy ang bagong asawa matapos mag-graduate. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Chino, 14, at Cher, 9. Ang dalawang anak sa una malalaki na rin, twenty-one na si Sharmaine, 18 na si Cham.

Labing-anim na taon nang nagsasama sina Nonoy at Marita. Umasenso nang tunay si Nonoy hanggang makapagpatayo ng isang recording company, ang NOTA (buhat sa pangalan niya). Si Nonoy Tan ang kasalukuyang pangulo ng FILSCAP (Filipino Society of Composers, Authors and Publishers Inc.) at ngayong gabi, Nov. 3 ang dinner at awards nights nila sa Shangri-la, Makati.

vuukle comment

AKO

DAVAO

MAYNILA

NONOY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with