^

PSN Showbiz

Pumapalakpak ang ST actress kapag tinatawag ang alalay

-
Ibang klase ang pamamaraan ng sikat na ST actress na ito kapag tinatawag ang kanyang alalay. Kung bell ang pinatutunog ng mga donya o señorita para tawagin ang kanilang mga katulong ay palakpak naman ang ginagawa ng aktres na ito para tawagin ang kanyang alalay.

Minsan ay mayroong shooting ang ST actress kasama ang babaeng alalay. Ayon sa isang production staff ay nagulat sila nang bigla itong pumalakpak nang dalawang beses. Nakatingin sa kanya ang isang respetadong senior actress. Nang walang lumapit ay lalo niyang nilakasan ang palakpak na umagaw nang pansin at nagmamadaling lumapit ang kanyang alalay para iabot ang tuwalya.

Biglang nagdialogue ang isang kasamahang aktres ng "Ano ba yan, daig pa niya si First Lady?" May pagka-primadona ang dating ng aktres na ito at na-link siya noon sa super datung na businessman pero nagkahiwalay din. Naging kontrobersyal ito dahil sa kanyang pangalan. Nagbida na rin ito sa mga pelikula at minsan ay lumalabas din sa telebisyon. Visible pa rin ang seksing aktres sa mga showbiz gathering.

vuukle comment

ANO

AYON

BIGLANG

FIRST LADY

IBANG

MINSAN

NAGBIDA

NAKATINGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with