^

PSN Showbiz

Claudine at Rico, nagkakalabuan na ?

-
May nang-iintriga ngayon kina Claudine Barretto at Rico Yan kung saan sinasabing madalas mag-away ang dalawa. Ayon sa balita ay may natitipuhang magandang newscaster ang aktor at baka ito ang maging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa kabilang banda ay nanatiling loyal si Claudine sa nobyo at mula nang magkaroon sila ng relasyon ay hindi na ito na-link pa sa iba.


Maganda ang naging pundasyon ng pagmamahalan ng dalawa kung saan naging masinop sa kabuhayan si Rico sa pamamagitan ng pagbubukas ng ilang negosyo samantalang inspirado naman sa kanyang career si Claudine. Nakapanghihinayang kung mauuwi lang sa hiwalayan blues ang relasyon ng dalawa.

May gagawing pelikula ang aktres katambal si Robin Padilla under Star Cinema.



* * *
Speaking of Binoe nakita ko siya sa Viva Films office at ang guwapo niya ngayon at mukhang bumata. Balitang may gagawin siyang pelikula kung saan makakasama niya si Richard Gomez. Kapag nagkataon ay magki-klik ito sa takilya dahil maganda ang kanilang kumbinasyon.

Kumita na nang husto sa takilya ang movie ni Binoe katambal si Regine Velasquez at ito’y nagpapatunay na marami pa ring following ang sikat na action star.


Noong una ay ayaw siyang payagan ng kanyang mga magulang pero nangako ang magandang bagets na hindi niya pababayaan ang pag-aaral. Sinabi niya na hihinto siya ng pag-aaral kapag bumaba ang kanyang grades. Nagsimulang lumabas sa TGIS si Vanna na sinundan ng Teks at Anna Karenina. Nakalabas na siya sa Ikalabintatlong Kapitulo. Isang taon pa lang siya sa showbis at enjoy na sa kanyang pag-aartista.

Ayon kay Vanna, ipagpapatuloy niya ang pag-aaral at pangarap na magtapos ng kurso at maging isang abogado.

Lately ay nakausap ko si Tess na super busy ngayon sa pag-aasikaso sa kasal ng kanyang anak na si Lindsay kay Julius Caesar Platon II. Mahal na mahal ng pamilya ng nobyo ang aktres at katunayan ay kasama nila lagi ang magandang mommy ni Julius sa pagpapagawa ng give-aways para sa wedding ng dalawa. Naniniwala rin pala sila sa pamahiin kung saan gusto nilang ipamigay ay wedding bells dahil maswerte ito at magiging mabiyaya raw ang pagsasama ng mag-asawa.

Binigyan ng mamahaling alahas si Lindsay ng kanyang magiging mother-in-law na mana pa sa mga ninuno nito. Pagkatapos ng kasal ay ipagpapatayo nila ng sariling negosyo si Lindsay para malibang ito sakaling walang singing commitment. Dalawa ang pinagpipilian ng aktres – isang restaurant at iskwelahan (elementary o nursery school). Pero mas nakalalamang ang iskwelahan dahil nanggaling sa pamilya ng mga titser si Lindsay at matutulungan sila nito sa pamamahala. May sariling negosyo naman si Bog (palayaw ni Julius) na isang security agency at matatag na ang kabuhayan.

Maswerte ang aktres sa buhay pag-ibig at sa kanyang pag-aasawa dahil napatunayan ng dalawa ang katapatan ng kanilang pag-ibig sa walong taong pagiging magnobyo. Higit sa lahat magtatagumpay ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa dahil pareho silang relihiyoso at pareho ring homebody.

Bukod sa masaya ang lovelife at matatag ang negosyo ni Daisy Reyes, may maganda pang pangyayari ang dumating sa buhay ngayon ng aktres. Siya ang napili ng Binibining Pilipinas Charities na isali sa Miss World Tourism na idaraos sa Malta sa Nobyembre 28. Aalis siya sa Nobyembre 18 para sumali sa ilang mga activities doon. Malaki ang tsansa niyang manalo dahil bukod sa maganda ay matangkad pa at maraming talento. Marunong siyang sumayaw at kumanta at maganda rin ang PR. Sana’y maiuwi niya ang korona sa ating bansa.

vuukle comment

ANGELICUM COLLEGE

ANNA KARENINA

LINDSAY

PAG

SIYA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with