^

PM Sports

Ateneo, Uste magpapang-abot

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magtutuos ang dalawang pinakamainit na koponan sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament, ang Ateneo de Manila University at University of Sto. Tomas, sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City ngayong hapon.

Magsisimula ang kanilang laro sa dakong alas-4:00 ng hapon kasunod ng tapatang University of the Philippines at University of the East sa ganap na alas-2:00.

Kasalukuyang nagsosolo sa pangatlong puwesto sa standings ang UST Tigresses sa kanilang taglay na 5-3 panalo-talo matapos mamayani sa  kanilang huling apat na laro habang nangunguna naman ang Ateneo na may rekord na 7-1 tampok ang kanilang six-game winning run.

Isang malaking pagsubok ito para sa Santo Tomas na nabansagan bilang isa sa mga contender ngayong taon pero sinimulan ang season sa kartadang 1-3.

Haharapin ng Tigresses ang patuloy na gumagaling na Ateneo na pinatunayang mala-kas pa rin ang kanilang koponan dahil sa ma-gandang ipinapakita ng kanilang mga manlalaro.

Sa pamumuno ng kanilang team captain na si Jia Morado at ng nagbalik-UAAP na si Michelle Morente kasama sina Bea De Leon, Jhoanna Maraguinot at Kat Tolentino, tatangkain pang lumapit ng Lady Eagles sa Final Four kontra kina Cherry Rondina, EJ Laure, Ria Meneses at Mary Pacres na siyang mangunguna para sa Tigresses.

Samantala, nakatuon naman ang UP State University sa pagbasag sa kanilang four-game losing skid sa kanilang laban kontra sa East.

Kakailanganing ma-kabalik ng UP Lady Maroons sa kanilang mahusay na porma upang makahabol sa mga koponang nasa unahan ng standings gaya ng Far Eastern University at National University para dumikit sa Final Four race.

Sa men’s division, magsasagupa naman ang NU Bulldogs (7-1) at ang Adamson  Falcons (2-6) sa dakong alas-10:00 ng umaga, habang sasabak muli ang UE Red Warriors (1-7) matapos makuha ang kanilang unang panalo sa loob ng 35 laro kontra sa UST Tigers (3-5) sa ganap na alas-8:00 ng umaga. FMLumba

 

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with