^

PSN Palaro

Gilas dinurog ang India

Miriam Garcia Desacada - Pilipino Star Ngayon
 Gilas dinurog ang India

Tumira si Von Pessumal ng Gilas sa harapan  ni Sivakumar  ng India  sa kanilang laban sa  39th Jones Cup sa Taipei. (Larawan mula sa CTBA)
 

TAIPEI -- Kagaya ng inaasahan, inilampaso ng Gilas Pilipinas ang India, 101-70 para sa kanilang pang-limang panalo sa 39th Jones Cup kahapon dito sa Taipei Peace Basketball Gymnasium.

Dahil dito ay kaila­ngang talunin ng Nationals ang mga Iranians ngayong alas-5 ng hapon para ganap nang makamit ang bronze medal sa nine-day tournament.

Binigyan ni head coach Chot Reyes ng mahabang playing time ang kanyang mga reserves na tinampukan ng 14 points ni Von Pessumal, tumipa ng 11 markers sa second period.

Pinangunahan ni Matthew Wright ang Gilas mula sa kanyang 19 points, habang tumapos si third string playmaker Almond Vosotros na may 14 markers.

Kinuha ng India, may 0-8 record ngayon, ang opening quarter, 22-20, bago naghulog ang Nationals ng 19-0 bomba sa pangunguna ni Pessumal para agawin ang 46-24 kalamangan sa second period.

Humataw naman si Wright ng 12 points mula sa kanyang apat na three-point shots para ibigay sa Gilas ang 35-point lead, 76-41 sa third canto.

Bumida naman si Vosotros sa fourth period mula sa solo niyang 11-0 atake para tuluyan nang ibaon ang India sa 94-57.

Tumapos ang Nationals na may 17-of-36 shooting sa three-point range.

Gilas Pilipinas 101 - Wright 19, Pessumal 14, Vosotros 14, Standhardinger 10, Cruz 9, Daquioag 8, Tolomia 8, Jalalon 7, Jose 4, Myers 4, Gotladera 2, Ravena 2.

India 70 - Gill 25, Pandi 14, Sivakumar 7, Poiyamoshi 5, Philip 5, G. Hafeez 5, Gill 4, Gowda 3, Reddy 2.

Quarterscores: 27-24; 54-31; 80-55; 101-70.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with