Malditas wagi sa Tajikistan
MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Hali Long ang isang hat-trick, habang umiskor si Anicka Castañeda ng double para tulungan ang Philippine team sa 8-0 pagdomina laban sa host Tajikistan sa Women's Asian Cup qualifiers sa Republican Central Stadium sa Dushanbe kamakalawa.
Kailangan lamang ng Malditas ng draw sa kanilang pagsagupa sa Bahrain bukas para ma-kapasok sa Asian Cup finals na gagawin sa Jordan sa Abril ng 2018.
Sa unang 17th mi-nute ng laro ay isinalpak ni Eva Madarang ang unang goal para sa Mal-ditas na sinundan ng mga atake nina Castañe-da at Long para ilista ang 3-0 bentahe laban sa Tajikistan.
Matapos ang halftime ay muling nag-init ang Malditas sa likod ng magkasunod na goals nina Sara Castañeda at Long.
- Latest