^

PSN Showbiz

Pelikula ni Iza lusot na sa mga sinehan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Jaclyn nagulat sa petition ni Jake!

PIK: May panibagong endorsement na naman si AiAi delas Alas na pinirmahan niya kahapon sa Victorinos Restaurant. Kasama ni AiAi na pumirma ang baguhang si Jelai Espino bilang Ambassador ng Natural Blend Coffee.

Tinulungan na rin ni Aiai si Jelai sa kanyang pagpasok sa showbiz.

Pinag-acting workshop niya ito sa Star Magic Acting Workshop kasama ang anak niyang si Sancho delas Alas.

Naitsika na rin sa amin ni AiAi kahapon na hanggang July na lang pala ng kontrata niya sa GMA-7 at hindi pa raw niya masasabi sa ngayon kung magri-renew ba siya o lilipat ng ibang istasyon.

Napagdudahang baka babalik ng ABS-CBN 2 si AiAi nu’ng nakipag-meeting ito sa Star Cinema nu’ng nakaraang taon.

Sabi naman ni Aiai, “May movie ako sa Star eh.

“Open naman ako sa lahat kung merong ano sa ABS, o kung may plano ang GMA, o meron din sa Channel 5, depende. Pero ano muna ako, kumbaga, freelancer. Si Boy (Abunda) na bahala dun.”

Balak lang niya muna ay magbakasyon sa Amerika pagkatapos ng kontrata niya sa GMA. Mahirap na raw magplano dahil hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari at depende sa offer.

PAK: Binigyan ng R-18 ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang Bliss ni direk Jerrold Tarog, na pinagbidahan ni Iza Calzado.

Malaki ang pasasalamat ng buong team ng naturang pelikula dahil nakalusot na ito sa second review ng MTRCB. Kaya lang, hindi ito mapapanood sa SM Cinemas dahil hindi nila ina-allow i-showing ang R-18. Kaya ang dinig namin, may version na pang-R-16 para mapanood ito sa SM Cinemas.

BOOM: Wala pang kamalay-malay si Jaclyn Jose na nag-file sa korte si Jake Ejercito ng joint custody sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Tinanong namin si Jaclyn sa press launch ng bagong programa niyang D’ Originals na mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula sa April 17.

Nang binuksan namin ang usapin tungkol sa isyu nina Jake at Andi kaugnay sa kanyang apo na si Ellie, safe ang sagot ng Cannes Best Actress dahil wala naman daw siya sa posisyon para magsalita sa isyu.

Nang ipinaliwanag namin sa kanya ang nangyari, nagulat siya nang malamang nag-file pala ng ganung peitition si Jake para sa kanyang apo.

Nabanggit ni Jaclyn na hindi raw nila ipinagkait si Ellie sa kanya. Marami rin daw instances na nagpasabi si Jake na susunduin niya si Ellie at sinabi na nila sa bata, pero hindi ito dumarating.

Ang punto lang ni Jaclyn, huwag na raw sana i-drag sa ganitong iskandalo ang kanyang apo.

Nagparating siya ng mensahe kay Jake, pati sa abugado nitong si Atty. Ferdie Topacio.

Pahayag ng Kapuso actress, “Please lets not make this issue a circus because I’m gonna fight for my granddaughter.

“Mag-isip muna tayong lahat, mabuti Jake, Mr. Topacio, whoever behind you, may ganito pala hindi ko alam.

“Mag-isip tayong mabuti because ang sinisira ninyo rito ay buhay ng limang taong gulang na babae na napakatalino, napakaganda, napakabait, napaka-sweet, at napaka-loving.

“Don’t ever take that away from my grandchild. The sweetness, the love, the happiness, and everything that she has at the moment, now that she’s five.

“I’ll never anyone to take that away from her.”

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with