^

Pang Movies

Heart wawalisin ang show nina Drew at Iya!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pinag-uusapan pa lang pero hindi pa confirmed ang balita na ang Follow Your Heart, ang reality game show ni Heart Evangelista ang papalit sa timeslot na mababakante ng People vs The Stars, ang game show ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, magkakarelasyon ang mga contestant sa reality game show ni Heart na production ng GMA News and Public Affairs kaya Follow Your Heart ang pamagat.

Pitong buwan na nagpahinga si Heart sa mga teleserye dahil noong September 2016 pa nagbabu sa TV ang kanyang primetime show na Juan Happy Love Story na pinagbidahan nila ni Dennis Trillo.

Makakatrabaho uli ni Heart si Dennis dahil starring sila sa Mulawin vs Ravena, ang coming soon telefantasya ng GMA-7 na ipapalit sa Encantadia.

Maglalagare si Heart sa set ng Follow Your Heart at Mulawin vs Ravena pero hindi magkakaroon ng conflict sa schedule niya dahil may mga pondo na siya para sa kanyang reality game show.

First time ni Heart na mag-host ng reality game show sa TV kaya excited siya. Hindi niya kailangan na umarte dahil as herself siya sa Follow Your Heart.

Marlon nakiki-ride lang daw kay Pia!

Hindi totoo na package deal sa mga project ang mag-­dyowang Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger.

Nagkataon lang na sila ang hinihiling ng readers para ma­ging celebrity cover ng mga glossy magazine.

Siyempre, hindi tinatanggihan nina Pia at Marlon ang magagandang offer na natatanggap nila.

Unfair na pagbintangan si Marlon na nakikisakay sa popularity ni Pia dahil sikat na racecar driver siya bago pa naging beauty queen si Pia.

Sanay na si Marlon na maging cover boy ng mga sikat na magazine at hindi naman niya kasalanan kung na in love sa kanya si Pia.

Mahihiya kina Pia at Marlon ang ibang mga sikat na loveteam dahil marami nang fans club ang kanilang real life loveteam.

Maynila magle-level up na

Nakipagkita sa amin ni Papa Ricky Lo si Chi Atienza, ang anak ni House Representative Lito Atienza.

Si Chi ang in charge sa Maynila, ang youth oriented drama anthology program ni Papa Lito na napapanood tuwing Sabado nang umaga sa GMA 7.

Ibinalita sa amin ni Chi ang mga pagbabago na magaganap sa award-winning show ni Papa Lito na turning 20-years na sa susunod na taon.

Nag-umpisa ang Maynila noong November 1998 at hanggang ngayon, sinusubaybayan pa rin ito ng milyon-milyong televiewers.

Hindi kasi ordinaryong drama antho­logy ang Maynila dahil kapupulutan ito ng mga aral. Given na Maynila ang pamagat ng show ni Papa Atienza dahil sa pagmamahal nito sa nasabing lungsod at dito rin kinukunan ang lahat ng mga eksena.

Marami na ang mga artista na nameless pa nang umapir sa Maynila pero sumikat at hindi nakakalimot sa programa na nagtiwala sa kakayahan nila.

 

vuukle comment

HEART WAWALISIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with