^

Bansa

2 petisyon ni de Lima pinagsama sa isang division

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniutos ng Court of Appeals (CA) ang consolidation o pag-isahin na lang ang dalawang petisyong inihain ni Sen. Leila de Lima na kumukuwestiyon sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) na nag-uugnay sa kaniya sa illegal drug trade sa loobng New Bilibid Prisons (NBP).

Sa apat na pahinang resolusyon ng CA 17th Division na pinonente ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, pinagsama na sa iisang dibisyon ang petisyon nito o ang nasa 17th at 6th Division.

Ang resolusyon ay sinang-ayunan nina Associate Justices Marlene Gonzales-Sison at Ramon Cruz.

Unang hinawakan ng 6th Division ang unang petisyon at ang ikalawa ay bumagsak sa 17th Division kaugnay sa apela na dapat ay ang Ombudsman ang humawak.

Iniakyat ang kaso sa CA matapos hindi magpalabas ng injunctive relief para kay de Lima para pahintuin ang imbestigasyon laban sa kaniya dahilan upang isampa na sa Muntinlupa court ang kasong kriminal kaugnay sa pamamayagpag ng iligal na droga sa Bilibid.

vuukle comment

COURT OF APPEALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with