Noynoy bibisita kay de Lima
MANILA, Philippines - Walang nakikitang problema si PNP Chief P/Director Gen. Ronald dela Rosa sakaling bumisita si dating Pangulong Noynoy Aquino kay Sen. Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
Ito’y matapos magpahayag ang kampo ni Noynoy ng kagustuhang mabisita si de Lima.
Sinabi ni dela Rosa na wala pa siyang natatanggap na sulat ng paghingi ng pahintulot mula sa kampo ni dating Pangulong Noynoy upang bumisita kay de Lima.
Pero ipauubaya na ni dela Rosa kay P/Chief Supt. Philip Gil Philipps, director ng PNP’s Headquarters Support Service (HSS) para isaayos ang nasabing pagbisita ng dating Commander-in-Chief para maipatupad ang kinauukulang protocol.
Nabatid na sa kabuuang 26 high profile inmate sa PNP Custodial Center ay si de Lima ang nag-iisang babae. Nakapiit rin sa nasabing detention facility ang mga ipinakulong ni de Lima sa kasong plunder ang mga dating senador na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
- Latest