^

PM Sports

Sta. Lucia may koponan sa PSL Invitational Conf.

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang halos isang dekadang pagkawala sa mga liga, magbabalik ang Sta. Lucia Land, Inc. bilang pinakabatang koponan na lalahok sa Philippine Superliga (PSL) Invita-tional Conference na hahataw sa Marso 4 sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Itataguyod ng Realtors, kumampanya sa Philippine Basketball Association (PBA) mu-la noong 1993 hanggang 2010, ang isang koponan ng mga superstars mula sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) at gagabayan ni coach Michael Cariño.

Ngunit magdadala ang Sta. Lucia ng ibang monicker sa PSL.

Inaasahan ni PSL president Ramon “Tats” Suzara na magiging pa-laban ang koponang isasalang ni SLR chief Exequel Robles kontra sa mga PSL mainstays na Petron, Cignal, Foton, Generika at Cocolife.

“Sta. Lucia is known for its fighting spirit and winning tradition when it was still involved in professional basketball,” ani Suzara, isang ranking executive ng Asian Volleyball Confederation at Internatio-nal Volleyball Federation.

“The team has already been assembled and we’re expecting it to hit the ground running,” dagdag pa nito.

Sasandigan ni Cari-ño, iginiya ang College of Saint Benilde sa paggitla sa paboritong San Sebastian College sa NCAA Finals noong nakaraang taon, sina dating Lady Blazers Janine Navarro at Djanel Cheng.

Ang iba pang nasa koponan ay sina Ranya Musa, Rachel Austero, Melanie Torres, Lourdes Clemente, Nacael Gual, Cindy Imbo, Dana Henson, Jonna Sabete, Rica Enclona, Rialen Sante at Shaira Umandal.

Nauna nang ikinunsidera si seasoned coach Sammy Acaylar para humawak sa koponan.

Ngunit tinanggihan ito ni Acaylar matapos mahirang na head coach ng men’s national team at athletic director ng Perpetual Help.

“What we have is a young, but fighting, team,” sabi ni Cariño, naging bahagi ng men’s team na sumabak sa 2015 AVC Asian Men’s Club Championship sa Taipei.

vuukle comment

PSL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with