^

Bansa

Bilibid inmates inalok ng P100M - DOJ

Rudy Andal, Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na isa umanong dating senador ang nag-alok ng P100 million sa walong high profile inmate para bawiin ang kanilang testimonya na nag-uugnay umano kay Sen. Leila de Lima sa Bilibid drug trade.

Galing umano ang alok na suhol sa isang dating senador at kasalukuyang kongresista mula sa lalawigan ng Laguna na handa umanong pangalanan ni Aguirre sa Senado.

Dalawang beses umanong ginawa ang alok, kung saan ang pangalawang alok ay idinaan kay Clarence Dongail, isa pang Bibilid inmate na nakakulong din sa AFP Custodial Center.

Ang pagbawi sa kanilang testimonya ay dapat umanong gawin bago o pagsapit ng ?February 25.

Nais umanong gamitin ng mga nasa likod ng suhol ang pagbawi ng mga inmate sa kanilang testimonya para makahikayat ng mas maraming tao na magtitipon sa EDSA para sa anibersaryo ng People Power at sa ilulunsad na malakihang protesta.

Inalok din umano ang mga inmate na sila ay palalayain, pero ang dalawang beses na alok ay pareho umanong tinanggihan ng mga inmate.

Kabilang sa mga high-profile inmates na nakakulong sa AFP custodial center ay sina Herbert Colanggo, Engelberto Duran o, Vicente Sy, Jojo Baligad, at Peter Co.

Naniniwala si Aguirre na ang suhol ay may kinalaman umano sa nilulutong panibagong people power na balak ilunsad sa Sabado na anibersaryo ng EDSA People Power 1.

vuukle comment

BILIBID INMATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with