^

Para Malibang

House Of Death (155)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

GIGIL na gigil pa rin si Benilda na kahit nakahiga na si Candida ay nakapasan pa rin siya dito.

Bigat na bigat naman ang mga hospital attendants na pumapasan sa stretcher.

Hindi marinig ni Candida ang sinasabi sa kanya ng multo, gaya lang ng hindi rin niya ito makita.

“Kung ‘yung mga anak nga nina Temyong at Azon ay matagal din naming ginawang kuba, ikaw pa kaya na ubod ng sama? Nagnakaw ka sa mag-asawang matanda at binugbog mo pa sila. Kaya hindi ako maaawa sa iyo.”

Sigaw nang sigaw sa sakit si Candida dahil baling-bali na talaga ang kanyang mga buto sa likod.

Napailing na lamang ang kasamahang preso na may third eye. “Baka ikamamatay mo ‘yan, Candida. Naaawa rin ako sa ‘yo.”

PAALIS na naman si Mario sa mansiyon, isinama na niya ang mga anak. “Aktibo na naman ang mga masasamang ispiritu dito, hindi puwedeng iiwan ko kayo. Kailangang puntahan natin sa ospital ang inyong ina na hindi pa natatauhan!”

“Itay, matatauhan din naman po ba si Inay?”

Mangiyak-ngiyak si Mario sa tanong na iyon ng anak. “Oo naman! Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano! Hindi pwedeng madagdag pa siya sa mga nnamatay mula nang tumira tayo sa mansiyon na ito!”

Tinakbo na ng mag-aama ang pinto.

Nayanig sila sa napansing sumusunod sa kanila.

“Nakasunod sa atin ang mga maiitim na multo! Bilisan ninyo, mga anak!
Wala tayong panahong makipaglaban sa kanila ng dasal! Kailangan tayo ng inyong ina sa ospital!”

Halos mahawakan na sila ng mga multong itim pero nakalabas na sila ng pintuan.

At dahil may araw sa labas, ang likas na kaaway ng mga multo, nakatakas ang mag-aama.

WALA pa ring malay si Anna sa ospital. Tuloy naman ang kanyang vital signs. Pero dahil ospital ng gobyerno ang pinagdalhan, kulang sa mga nurses, hindi napansin na humihina na ang puso ni Anna.

Hanggang sa namutlang parang papel.

ANG bata pang pari ay nakarating sa pinakamalapit na ospital na pinagdalhan din kay Anna. Papunta sa ER, may napansin siyang maganda at simpleng babaing nakatingin at nakangiti sa kanya.  Itutuloy

 

vuukle comment

HOUSE OF DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with