^

PM Sports

Buwenamanong panalo sa bumabangong Lakers

Pang-masa
Buwenamanong panalo sa bumabangong Lakers
Si Fil-Am Jordan Clarkson ng LA Lakers laban kay Nene Hilario ng Houston.

LOS ANGELES – Bago pa man ang kanyang official head coaching debut ay nagbabala na si Luke Walton sa Los Angeles La-kers tungkol sa kanilang pagdaraanan sa rebuilding season para magtagumpay.

“The outcome is less of a concern than how we play, and how we get after it,” wika ni Walton.

Humugot si Fil-Am Jordan Clarkson ng 12 sa kanyang 25 points sa fourth quarter at pinigilan ng Lakers ang Houston Rockets para kunin ang 120-114 panalo sa debut ni Walton.

Nagdagdag si D’Angelo Russell ng 20 points at nagtala si Julius Randle ng 18 points, 7 rebounds at 6 assists para sa unang season ng Lakers nang wala si Kobe Bryant sapul noong 1995.

Sa pinalakas na roster matapos ang worst season sa 16-time champion team, umarangkada ang Los Angeles sa fourth quarter laban sa Houston.

“It wasn’t pretty, but it got the job done,” sabi ni Russell. “Everybody did their part tonight, and it showed in the results.”

Ginamit ng Lakers ang isang up-tempo offensive game sa ilalim ng 35-anyos na si Walton.

Sinamantala ito ni Clarkson, pumirma ng isang $50 million contract at ang kanyang three-pointer ang nagbigay sa Lakers ng 116-112 abante sa huling 1:48 minuto at naimintis ng Rockets ang ilan nilang open shots sa hu-ling minuto ng laro.

Pinamunuan ni James Harden ang Houston sa kanyang 34 points, career-high na 17 assists at 8 rebounds.

Naimintis ng Houston ang 15 sa kanilang 16 3-point attempts sa second half.

Sa Orlando, Florida, tinulungan ni Hassan Whiteside ang Miami Heat sa 108-96 panalo laban sa Magic sa kanilang unang laro nang wala sina perennial All-Stars Dwyane Wade at Chris Bosh.

Humakot si Whiteside ng 18 points, 14 rebounds at 4 blocked shots para sa Heat.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Indiana ang Dallas, 130-121; pinigil ng Boston ang Brooklyn, 122-117; binigo ng Toronto ang Detroit, 109-91; pinadapa ng Charlotte ang Milwaukee, 107-96; iginupo ng Memphis ang Minnesota, 102-98; tinakasan ng Denver ang New Orleans, 107-102; pinatumba ng Oklahoma ang Philadelphia, 103-97; at dinaig ng Sacramento ang Phoenix, 113-94.

vuukle comment

LAKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with