^

Bansa

Barangay chairman itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang brgy. chairman matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang apat na  mga armadong salarin, kamakalawa sa bayan ng Bacnotan, La Union. Kinilala ang nasa­wing biktima na si Brgy. Chairman Aurelio Mique Jr.,  ng Brgy. Bitalag ng lalawigang ito. Sa ulat ng La Union Police, kasalukuyang pauwi na ang biktima sa kanilang tahanan nang bigla na lamang pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng dalawang motorsiklo.

Ang biktima ay lulan ng kaniyang behikulo nang biglang tumigil ang motorsiklo ng mga suspek at pagbabarilin ito ng mga backriders saka mabilis na tumakas patungo  sa hindi pa malamang destinasyon. Samantalang bunga ng insidente matapos na mapuruhan ng mga tama ng bala ay bumangga pa sa malaking puno ang sasakyan ng biktima na tuluyang nasawi sa insidente. Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with