^

Bansa

Huling sesyon sa Senado, hirit ni Bong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Ramong “Bong” Revilla sa Sandiganbayan First Division na payagan siyang makadalo sa huling tatlong araw ng sesyon ng Senado sa susunod na linggo.

Sa 2-pahinang reso­lusyon, sinabi ni Revilla na dakong alas-3 ng hapon sa Hunyo 6,7 at 8 niya nais niyang dumalo sa sesyon sa Senado.

Sa ganitong paraan, iginiit na matatapos at maisasara niya ang kanyang termino bilang isang senador. Si Revilla ay kasalukuyang nasa ikalawa at huling termino na sa Senado.

Nais din umano niyang siguruhin ang ma­ayos na transition sa kanyang tanggapan.
Matatandan na maging si Senador Jinggoy Estrada ay naghain din ng kahalintulad na mosyon sa Sandiganbayan noong nakaraang linggo.

Ang dalawang senador ay parehong nakakulong sa Camp Crame dahil sa kinakaharap na kaso kaugnay sa bilyong pork barrel scam.

vuukle comment

BACOLOD CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with