Damo sa Pilapil (38)
BINUKSAN ni Zac ang box. Cell phone! Mamahalin.
“Napansin ko, mula nang dumating ka rito sa Maynila ay wala kang cell phone kaya ibinili kita. Kailangan mo ‘yan katulad din ng laptop.’’
“Salamat Mam Dulce. Sobra-sobra na ang binibigay mo sa akin.’’
“Okey lang yun. Basta pagbutihin mo ang pag-aaral. Isa pa kaya naisipan kitang bigyan ng cell phone ay para makausap mo ang iyong parents. Dapat nalalaman mo ang kalagayan nila.’’
Napangiti lamang si Zac – ngiting may pagkapahiya.
“E Mam, hindi ko rin naman sila makakausap dahil wala namang cell phone sina Itay.’’
“Oo nga pala ano! Hindi ko naisip yun, ha-ha-ha! Paano ka nga pala makikipag-communicate e wala naman silang CP.’’
“Pero okey lang naman po na hindi ko sila makausap dahil nagpapadala naman ako ng pera sa kanila at may kasamang sulat.’’
“No, mas maganda ang nakakausap mo sila. Teka, mayroon akong lumang cell phone --- hindi pa naman kalumaan. Ibibigay ko sa parents mo para may magamit sila. Di ba ang sister mo ang kasama ng parents mo, puwedeng sa kanya mo ipadala para kayo ang nag-uusap. Okey Zac?’’
“Opo Mam. Salamat po uli.’’
“Sumama ka sa akin sa kuwarto at ibibigay ko ang cell phone at tomorrow, ipadala mo sa kanila ang cell phone thru a courier. Kahit magkano ang fee walang problema.’’
“Salamat po.’’
“Halika ka sa kuwarto, Zac.”
(Itutuloy)
- Latest