^

PSN Palaro

Lady Spikers pupuwesto sa semis vs Lady Warriors

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sasarguhin ng nagde­depensang  La Salle ang Final Four slot sa pakiki­pagtipan nito sa University of  the East ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang bakbakan ng Lady Spikers at Lady Warriors sa alas-2 na su­sundan ng duwelo ng University of Santo Tomas at Far Eastern University sa alas-4.

Nasa ikalawang puwesto ang La Salle bitbit ang 8-2 rekord kung saan pakay nitong samahan ang Ateneo de Manila University (9-2) sa tuktok ng standings kalakip ang tiket sa semis.

Lamang na lamang sa karanasan ang Lady Spi­kers laban sa Lady Warriors na kasalukuyang may 1-9 baraha.

Ngunit hindi puwedeng maging kumpiyansa ang La Salle dahil maganda rin ang inila­laro ng UE na binigyan ng magandang laban ang National University bago isuko ang 15-25, 21-25, 25-22, 21-25 kabiguan sa kanilang huling laro.

Aariba para sa Lady Spikers sina Kim Dy, Mary Joy Baron, Ernestine Tiamzon at Desiree Cheng kasama pa ang matikas na tambalan nina libero Dawn Macandili at setter Kim Fajardo.

Aasahan naman ng Lady Warriors sina Shaya Adorador, Judith Abil, Jasmine Alcayde at Roselle Baliton.

Sa kabilang banda, parehong naghahabol ang Tigresses (6-4) at Lady Tamaraws (5-5) sa Final Four kaya’t importante ang bawat laro sa kanila.

Galing ang UST sa 25-12, 25-18, 21-25, 25-19 panalo kontra Adamson University.

“Hopefully, wake-up call para sa amin. Kailangang ayusin namin, otherwise, may paglalagyan kami. Kung kalahati lang ang effort, kalahati rin ang resulta. Sana everytime, maging all-out na sila kasi second round. This could is a turning point kasi kami ng FEU, UP and NU, iisa na lang ang goal namin. Pare-parehas gustong pumasok ng Final Four," pahayag ni UST coach Kungfu Reyes.

Papalo para sa UST sina Cherry Ann Rondina at EJ Laure ngunit kaila­ngan nila ng suporta mula kina Pam Lastimosa, Ria Meneses, Chloe Cortez at Dimdim Pacres.

Umani naman ang FEU ng 20-25, 22-25, 25-17, 25-21, 8-15 pagkatalo sa Ateneo noong Linggo.

Kukuha ng lakas ang FEU kina Bernadeth Pons, Remy Palma, Chin-Chin Ba­sas at Nette Villarael. - CCo

 

vuukle comment

LADY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with