^

Punto Mo

‘Babae dinaig ang mga lalaki!’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

KUNG anong nagagawa ng lalaki kaya na ng babae. Kung anong nararating ng mga kalalakihan kayang-kaya nang abutin ng mga kababaihan.

Muling pinatunayan ng mga kababaihan ng Philippine Military Academy (PMA) Salaknib Class 2017.

Ngayong taong walo sa top 10 ay puro kababaihan. Ang numero uno ay si Rovi Mairel Valino Martinez ng Cabanatuan City.

Ang ilan pa sa nakasali sa top 10 ay sina Philip Modesto Viscata, Eda Glis Buansi Marapao, Cathleen Jovie Santiano Baybayan, Carlo Emmanuel Manalasan Canlas, Shiela Joy Ramiro Jallorina, Sheil Marie Calonge De Guzman, Joyzy Mencias Funchica, Resie Jezreel Arrocena Hucalla at Catherine Mae Emeterio Gonzales.

Ang kanilang graduation ay una ring pagtatapos ni Presidente Rodrigo Duterte bilang commander-in-chief.

Nagsimulang tumanggap ng mga kababaihan ang PMA nung Abril 1993 sa bisa ng RA 7192 sa pagbibigay ng patas na karapatan ng mga kababaihan sa service academies.

Sa 167 na magtatapos ngayon sa PMA ay 63 dito ay kababaihan. Ito ang pinakamadaming bilang mula nang magsimulang tumanggap ng mga babae ang PMA.

Hindi lang naman ngayong taon napasama sa top 10 ang mga babae. Maging nung taong 1999, 2009, 2011, 2012, 2013 at 2015.

Si Maryan Balais nung taong 2013 na nagtapos bilang salutatorian ay nagsabing ‘PMA is no longer a man’s world’.

Taun-taon ay pinapatunayan ng mga kababaihan ang sarili nilang lakas na kaya rin nilang pantayan o higitan ang mga nagagawa ng lalaki.

Sanay tayo na puro lalaki lang ang pumapasok sa PMA at sila ang nangunguna pero ngayon dumarami na din ang mga kababaihan.

Ito ang nagtala ng pinakamalaking bilang ng mga kababaihang nagtapos sa PMA. Hindi na dominado ng mga kalalakihan ang PMA dahil unti-unti silang nauungusan at nadadaig ng galing at lakas ng mga kababaihan sa kanilang klase.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

BABAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with