^

Punto Mo

Lalaki sa China, nawalan ng driver’s license matapos gumawa ng sariling tanke

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BINAWI ang driver’s license ng isang lalaki sa China matapos niyang gawing tanke ang isang lumang sasakyan at patakbuhin ito sa mga lansangan doon.

Kinilala lamang ang lalaki sa pangalang Huang at ayon sa kanya ay gumawa siya ng sarili niyang tanke upang siya ay mapag-usapan at sumikat sa Internet.

Binago niya ang hugis ng kinakalawang na truck sa pamamagitan ng paglalagay ng gun turret na karaniwan lamang makikita sa mga tanke.

Sa pag-aasam na makilala siya nang marami ay ini-upload niya ang mga video at larawan na nagpapakita sa tanke habang minamaneho niya ito sa lansangan ng Laibin sa Guangxi Province.

Dahil dito ay napukaw ang pansin ng mga awtoridad, na pinaghahahanap si Huang hanggang matunton nila ito habang tinatangka niyang imaneho muli ang tanke.

Dinala si Huang sa presinto, kung saan pinagmulta siya ng 1,750 yuan (katumbas ng higit P14,000). Sumailalim din siya sa isang “safety education” seminar.

Kinumpiska naman ang tanke, na nakatakdang wasakin dahil sa pagiging banta nito sa kaligtasan ng lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with