^

Punto Mo

Pope Francis, nagkasal ng flight attendants sa kauna-unahang papal wedding sa himpapawid

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IDINAOS ang sinasabing kauna-unahang papal wedding sa himpapawid nang ikasal ni Pope Francis kamakailan ang dalawang flight attendants.

Sinasabing ang pagkakasal ni Pope Francis kina Carlos Ciuffardi, 41, at Paula Podest, 39 habang ang eroplano ay lumilipad  na taas na 36,000 talampakan ang kauna-unahan at kaisa-isa sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko.

Nagplano ang dalawang flight attendants na maikasal sa simbahan ngunit naudlot ito nang mawasak ng lindol ang kanilang pagkakasalang simbahan noong 2010. Sa civil wedding nauwi ang pag-iisang dibdib ng dalawa, na nabiyayaan na ng dalawang anak.

Kaya nang sumakay sa kanilang eroplano ang Santo Papa ay nilapitan nila ito upang hilingin na basbasan ang kanilang sibil na kasal.

Ngunit higit pa sa kanilang inaasam ang inialok ni Pope Francis nang tanungin sila nito kung gusto nilang maikasal sa gitna mismo ng flight.

Agad na idinaos ang seremonyas at nagsilbing testigo ng kanilang kasal ang mismong presidente ng airlines na siyang boss ng dalawang flight attendants.

Mabilis din silang nagawan ng marriage certificate, na mano-mano pang isinulat ng isa sa mga arsopisbong nasa eroplano at may pirma pa ni Pope Francis bilang siya ang nagkasal sa dalawa.

Kahit maikli lang ang naging wedding ceremony ay napaka-emosyonal naman daw nito, ayon kay Podest. Isa raw “experience of a lifetime” ang makasal ng Santo Papa, dagdag pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with