^

Punto Mo

MIASCOR bokya na, humihirit pa!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MATAGAL nang gawain ng ilang luggage handlers sa NAIA at iba pang International Airport sa iba’t ibang panig ng bansa ang magbukas at magnakaw sa mga bagahe ng mga pasaherong umuuwi para magbakasyon na ang karamihan ay overseas Filipino workers (OFWs). May mga nananakawan ding mga turista at balikbayan na nagrereklamo, pero walang nangyari sa mga reklamo hanggang makabalik na muli sila sa kanilang pinanggalingan. Samantalang ang madalas na pagbintangan ay mga taga-Bureau of Customs.

Kumulo ang dugo ni President Digong sa anim na magnanakaw na empleyado ng MIASCOR Ground Handling Corp. sa Clark International Airport sa pasaherong si Jovinal dela Cruz isang OFW, kaya ipinag-utos nito na kanselahin ang kontrata nito sa gobyerno na kaagad namang inaksyunan ni MIAA Gen. Manager Ed Monreal, kahit pa may maaapektuhang 4,000 empleyado ito. An act of one is an act of all ayon nga sa batas. Ayos yan Sir!

Marami na ang nahuling miyembro ng sindikato sa international airports sa bansa na may kanya-kanyang modus operandi tulad ng laglag bala, singit droga at may nahuli na ring mga hatid o escorting sa mga pasaherong undesirables na nakakapaglabas ng mga malalaking halaga ng salapi na walang clearance sa Central Bank at salubong sa mga biyaherong may dalang highly taxables na bagahe.

May mga natimbog ng drug smugglers at illegal money couriers ang Customs Police at CIIS sa iba’t ibang international airports sa bansa pero patuloy pa rin sa pagpapalusot ang mga diyablo. Tumigil na kayo, bago pa mapikon si Digong!

 Ang nangyaring nakawan ng kargamento sa CIAC ay nagdulot ng babala kina CIAC Acting President Alexander Cauguira at mga tauhan nito na kung sakaling maulit ang magkaparehong insidente, mag-resign na sila, dahil sisibakin din naman sila ni President Digong. Sa sobrang galit ng Presidente, nakapagsalita tuloy na dapat pinatay na lang ang mga magnanakaw na mga empleyado ng MIASCOR. Aruy!

Nakakahabag naman talaga na ang pinagtiyagaang ipunin ng ilang taon ng mga OFW para ipasalubong sa mga mahal nila sa buhay ay nanakawin lang sa isang iglap ng mga demonyong ground luggage handlers di po ba mga kabakas?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with