^

Punto Mo

‘Paninindigan ng PISTON’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI ang napeperwisyo, nabubuwisit at nagagalit na commuters sa tuwing magsasagawa ng transport strike ang mga pampublikong sasakyan. Isa sa mga nangungunang grupo ng mga tigil-pasada na ito ay ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).

Tanong nga ng ilang imbyerna na, bakit hindi na lang kasi sumunod ang mga grupong ito sa programa ng pamahalaan? Bakit patuloy nilang kinakalaban ang gobyerno at pinagduduldulan ang kanilang kagustuhan?

Para sa publikong apektado ng mga tigil-pasada, ang sigaw nila ay tama na, itigil na ang rally-rally na ‘yan dahil taumbayan ang nasasaktan at nahihirapan. Subalit tila walang pakialam ang mga transport groups sa pa-nawagang ito ng mga mananakay.

Kahapon, pinaunlakan ang Ben Tulfo Unfiltered ng studio interview ni PISTON National President George San Mateo. Dumating siya sa opisina ko at walang takot na sinagot ang mga katanungan kasama na ‘yung mga nabanggit ko sa itaas. 

Alam ko, masyado akong naging prangka at diretso kay Ka George pero makikita mo talaga ang isang taong may prinsipyo at paninindigan. Walang paliguy-ligoy niyang sinagot lahat at inilatag ang kanilang ipinaglalaban.

“Walang itinulong ang gobyerno sa amin” mariin niyang sinabi kay BITAG. Hindi lang daw para sa personal na interes ang kanilang pinaglalaban kundi sa kapakanan din ng taumbayan.

Hindi rin naman daw sila salungat sa modernisasyon subalit may mga probisyon sa programa na hindi sila sang-ayon dahil masasaktan ng lubos ang mga jeepney drivers.

Hindi ko na rin napigilan tanungin, tutal naman ay unfiltered at talagang walang script-script ang aming usapan, paano na lang ang ipinagkaloob na pribelehiyo ng gobyernong bigyan sila ng prankisa?

Kaakibat kasi ng prebilehiyong ito ang mabigyan NAng maayos, ligtas at karapat-dapat na serbisyo ang publiko. Sabi nga ng isa sa mga nagtanong sa aming facebook page, karapatan ni Juan dela Cruz ng maayos na serbisyo dahil nagbabayad ito ng buwis.

Gusto n’yo pang malaman ang maaanghang na kasagutan ni Ka George kay BITAG? Panoorin bukas, Enero 24, Miyerkules, 5:30 ng hapon sa PTV 4 at Ben Tulfo Unfiltered facebook page at www.bitagmedia.com ang buong interview sa Ben Tulfo Unfiltered!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with