^

Punto Mo

Buwaya, natagpuan sa basement ng isang bahay sa Russia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBA ang nakaengkuwentro ng mga pulis sa Russia kamakailan nang halughugin nila ang isang bahay sa St. Petersburg.

Pinasok ng mga pulis ang  bahay ni Pavel Baranenko sa hinalang may mga hindi lisensyadong armas sa loob nito.

Sa sobrang gulat ng mga pulis nang madatnan ang buwaya ay napasigaw ang isa sa kanila ng ‘‘what the **** is that?’’ nang maaninag nilang may malaking hayop na gumagapang sa basement.

Kalmado namang ipinaliwanag ni Baranenko na isa itong Nile crocodile. Ayon kay Baranenko, 10 taon na niyang inaalagaan ang buwaya.

Agad namang dinala ang dalawang metrong buwaya sa pinakamalapit na istasyon ng pulis ng mga sanay na animal handlers.

Hindi pa napapagpasyahan kung anong gagawin sa buwaya matapos itong tanggihan ng zoo sa lugar. Na-ngangamba kasi ang zoo na hindi nito kayanin ang -10C na lamig habang nasa pangangalaga nila ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with