^

Punto Mo

Kubol sa kalye sa San Mateo, inireklamo!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAIS maiparating ng mga residente ng Olopsville Subdivision sa Bgy. Gulod Malaya sa San Mateo, Rizal ang matagal na nilang problema ukol sa right of way at obstruction kay Martin Diño, ang DILG Undersecretary for barangay affairs. Nagpatayo kasi ang isang architect Ramon de Guzman ng isang kubol na yari sa bakal sa Blk 2 Lot 1 St. John St., sa naturang subdivision at sinakop nito ang kalye at sa ngayon halos wala silang madaanan. Ginawa kasing parking lot ni de Guzman ang kubol at kahit abot-langit na ang kanilang reklamo, aba hindi pinapansin ni chairman Rodolfo Canoy ang reklamo nila. Kasi nga, bagyo raw si De Guzman kay San Mateo Mayor Tina Diaz at asawang Vice Mayor Paeng Diaz. Hindi lang ‘yan? Maging ang mga opisyales ng subdivision ay nganga sa problemang dulot ng kubol ni De Guzman. Ano ba ‘yan? Baka naman puwedeng pakialaman ni Usec. Diño ang problema ng taga-Olopsville Subdivision para may madaanan sila dahil inutil si Kap Canoy. Boom Panes! Hak hak hak! Simple lang ang problemang ito subalit kailangan pa bang si Usec. Diño mismo ang papapel dito? Ano sa tingin n’yo Mayor Diaz at Vice Mayor Diaz?

Halos anim na taon nang nakatira sa naturang subdivision ang mga residente at sa umpisa ay maayos naman ang pamumuhay nila. Nagsimula ang problema nila nang umpisahang paradahan ni De Guzman ng apat na magagarang SUV ang harapan ng bahay nila. At kinalaunan, nagtayo na ng kubol si De Guzman na gawa sa bakal at yero at siyempre doon sa silong na nakaparada ang mga sasakyan niya. Hindi lang basta kubol ito Usec Diño Sir, dahil malaki ito at ang siste wala nang madaanan halos ang mga residente. Hak hak hak! Hindi kaya nabili ni De Guzman ang lote o kalsada? Tanong lang po?

May pamilya run na ayaw ng gulo kaya ang ginawa na lang ay umalis sa kanilang tahanan at lumipat sa ibang bahagi ng subdivision na hindi nasasaklawan ng kubol ni De Guzman. Nakaiwas na ang pamilya Bacud sa gulo at siyempre nawala na rin ang stress. Para mabawi ang ginastos nila sa nilisang bahay, nagdesisyon ang pamilya na ibenta na lang ang kanilang bahay at may isang kasamahang OFW naman ang nagkainteres na bilhin ito. Ang problema lang, nang bisitahin ng buyer ang bahay ng mga Bacud, siyempre ginulantang sila ng kubol ni De Guzman kaya umatras ito. Boom Panes! Hak hak hak! Kaya’t bumalik ang stress ng pamilyang Bacud dahil paano na nila mabawi ang perang ginamit para bilhin ang dating bahay nila kung patuloy na nakakabit ang kubol ni De Guzman sa usapin nila ng mga buyer? Get’s n’yo mga kosa?

Ang ginawa ng mga residente, inilapit nila sa homeowners association ang simpleng problema ng right of way at obstruction subalit dinedma lang sila ni Mr. Canonozado. Mukhang walang pangil ang grupo ni Canonozado na parang lifetime president na ng asosasyon, anang mga kosa ko. Dumulog na rin ang mga residente kay Canoy subalit mukhang puro bola-bola kamatis lang ang isinagot sa problema nila. Nangako si Kap Canoy sa mga residente na aaksiyunan o pangunahan niya mismo ang paggiba sa kubol ni De Guzman

Subalit mukhang puro OPM o “Oh Promise Me” lang ang mga ito. Hak hak hak! Napangakuan na nga kayo gusto n’yo pang tuparin ni Kap Canoy? Ano bali?

Hindi makalapit ang mga residente sa mag-asawang Mayora Tina Diaz at Vice Mayor Pang Diaz dahil sa pagyayabang ni De Guzman na bagyo siya sa mga ito, ayon sa mga kosa ko. Kaya ang huling baraha ng mga residente ay si Diño, na dating opisyal ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), kaya t’yak iintindihan nito ang sitwasyon nila. Nais ng mga residente na dalawin ni Usec Diño ang subdivision nila para makita niya mismo ang nakaharang na kubol sa kalye at marinig din ang iba pang hinaing nila. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with