^

Punto Mo

EDITORYAL - Patuloy ang pangungotong kahit inumentuhan ni Digong

Pang-masa
EDITORYAL - Patuloy ang pangungotong kahit inumentuhan ni Digong

UMIIYAK si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa dahil sa kakahiyang idinudulot ng kanyang mga tauhan. Sa pag-iyak na lamang niya idinadaan sapagkat kahit anong gawin, hindi niya madisiplina ang ilang pulis. Patuloy ang mga ito sa masamang gawain.

Gaya ng ginawa ng chief of police sa Sasmuan, Pampanga noong nakaraang linggo. Inaresto si Senior Insp. Bulanadi dahil sa pang-eextort  sa may-ari ng isang peryahan. Ayon sa may-ari, hinihingian sila ng P30,000 ni Bulanadi. Hindi na nakapalag ang hepe nang arestuhin.

Eto pa ang nakakahiya. Anim na pulis mula sa Caranglan, Nueva Ecija ang inaresto dahil sa reklamo ng pangungotong. Ayon sa mga biyahero ng gulay, obligado silang “magbato” ng P5 sa mga pulis. Kapag hindi sila nakapagbigay o “nakapagbato” ng P5 ay hahabulin sila ng mga pulis. Mayroon daw motorsiklo ang mga ito kaya hindi sila makakatakas. 

Nakilala ang anim na kotong cops na sina SPO1 Antonio Otic, PO3 Danilo Sotelo, PO3 Ronald Buncad, PO3 Oliver Antonio, PO2 Rodrigo Edralin at PO3 Romeo Nuñez II. Agad ipinag-utos ni PNP chief Dir. General Ronald dela Rosa ang pag-disarma sa anim na pulis at nahaharap na sila sa summary dismissal.

Maiiyak talaga si Bato sa ginagawa ng ilang pulis dahil kung kailan tinaasan ng suweldo ang mga ito ay saka sila naging aktibo sa pangungutong. Imagine, ang suweldo ngayon ng Police Officer 1 (PO1) ay umaabot na sa P42,000 mula sa dating P21,000. At sa kabila nang mataas na suweldo ay nangungutong pa at kahit maliit na halaga (P5.00) ay pinapatulan. Hindi na sila nahiya kay Digong na inuna silang taasan ng suweldo kaysa ibang empleado ng gobyerno.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with