^

Punto Mo

Mga pulis sa Canada, naloko ng kotseng nilikha mula sa snow

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang mga pulis sa Montreal na naloko sila ng isang Canadian artist na lumikha ng isang kapani-paniwalang obra mula sa snow.

Tumigil kasi ang mga pulis sa isang kotseng nakahambalang sa daan upang tiketan ito ngunit laking gulat nila nang malaman nilang hindi pala ito totoong sasakyan at sa halip ay isa lamang itong iskultura ni Simon Laprise na gawa sa snow.

Napaniwala ni Laprise ang mga pulis na totoong kotse ito na nabalot lamang ng makapal na snow dahil nilagyan pa niya ng totoong windshield wiper ang harapan nito.

Ginawa ni Laprise ang kotse bilang biro sana sa mga nag-aalis ng snow sa kanilang lugar ngunit nagkataong nakapuwesto ito sa bawal pagparadahan kaya napansin ito ng mga pulis.

Naging viral naman sa social media ang litrato ng isa sa mga pulis na aktong titiketan na ang snow sculpture ni Laprise.

Sa huli ay tiniketan pa rin ang snow car ngunit sa halip na multa ay papuri ang isinulat ng pulis na nagsabing “you made our night! Hahahahaha”.

Sinira naman kinaumagahan ang likha ni Laprise ng mga dumadaang snow plough na nag-aalis ng niyebe sa mga lansangan.

Hindi raw ito ang unang beses na lumikha si Laprise  ng kotse mula sa snow at hindi raw  ito ang kanyang magi-ging huli.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with