Isla Paraiso (142)
NANG makita ni Marikit si Sir Alexis ay niyakap niya ito.
“Marami pong salamat, Sir Alexis. Kung hindi po sa tulong mo, baka wala pa akong natapos ngayon. Salamat po, isa na akong mamamahayg ngayon ng The Reporter.’’
“Wow! Sinorpresa mo ako, Marikit. Mayroon ka na agad trabaho. Yung ibang graduates, taon ang binibilang para magkatrabaho pero ikaw ang bilis. Pinahanga mo ako, Marikit.’’
“Dati na po kasi akong writer contributor sa diyaryo kaya mabilis akong natanggap. Pinangakuan po ako na once maka-graduate ako, sa kanila na ako magtatrabaho. At ganun po ang nangyari.’’
“Kasi’y matalino ka rin Marikit kaya mabilis kang natanggap.’’
“Salamat po, Sir Alexis. Meron po sana akong hihilingin sa iyo.’’
“Ano yun?’’
“Ang assignment ko po kasi ay ang interbyuhin ka. Hindi po alam ng The Reporter na kilala ko ikaw.’’
“Hindi mo sinabi?’’
“Hindi po.’’
“Ha-ha-ha! Ang galing mo talaga, Marikit. Journalist ka nga.’’
“Puwede ka pa po bang mainterbyu para sa series ng articles ng buhay mo.’’
“Oo naman Marikit. Pero bakit ako ang napi-ling interbyuhin?’’
“Hindi ko po alam.’’
(Itutuloy)
- Latest